Miyerkules, Agosto 3, 2011

SI JOSE AT ANG BIYAYA NG DIYOS

Ang ating bang Amang nasa langit ay may ilang pinapaboran sa kanyang mga anak? Sinasabi ba ng Bibliya na ang Diyos ay hindi gumagalang sa tao? Pagdating sa kaligstasan at mga kahanga-hanga niyang mga pangako, parehas ang pagtrato ng Diyos sa lahat ngunit ipinagkakaloob niya ang namumukod na pabor doon sa mga may buong-puso na tumutugon sa kanyang pagtawag at ibinibigay ang kanilang buong buhay sa kanya!

Sinabi ni Job: “Ako'y binigyan mo ng buhay at wagas na pagmamahal, at ang pagkalinga mo ang sa aki'y bumuhay” (Job 10:12). Sinabi ni David: “Pinagpapala mo, O Yahweh, ang mga taong matuwid, at gaya ng kalasag, protektado sila ng iyong pag-ibig” (Awit 5:12).

Ang ating Amang nasa langit ay naglalagay ng di-pangkaraniwang kasuotan doon sa mga lubos na nagkaloob ng kanilang mga puso: “Buong puso akong nagagalak kay Yahweh. Dahil sa Diyos ako'y magpupuri sapagkat sinuotan niya ako ng damit ng kaligtasan, at balabal ng katuwiran” (Isaias 61:10).

Si Jose ay tumugon sa tawag ng Espiritu, isinuko ang lahat, bilang biyaya mula sa kanyang ama nakatanggap siya ng balabal na nagbukod sa kanya. Ngunit ang pabor na iyan ng kanyang ama ay mahalaga! Ibinunga nito ay pagtalikod ng kanyang mga kapatid sa kanilang relasyon at siya ay dinala sa pagtatakwil, hindi pagkakaunawa at panunuya: “Kinamuhian siya ng mga ito at ayaw siyang pakisamahang mabuti” (Genesis 37:4).

Bakit ang mga kapatid ni Jose ay tumalikod sa kanya? Ang susi ay nasa talaang 11: “Ang kanyang mga kapatid ay nainggit sa kanya.” Nang makita nila ang balabal na suot ni Jose, alam nila na ito ay nangangahulugan ng pagtatangi, katuwiran. At kinamumuhian nila ito, sapagkat ipinaalala sa kanila ito ang pagtawag ng Espiritu na kanilang tinanggihan! Si Jose ay isang pagkutya sa kanilang mga kakaibang istilo ng pamumuhay!

Nakita niyo na, ang mga kapatid ni Jose ay mga nakaupo na walang ginawa kundi pag-usapan ang kathakathang usapan at usapang makasarili. Ang kanilang mga puso ay nagpapahalaga lamang sa mga lupain, ariarian, ang hinaharap, ngunit si Jose ay nasa kabilang-dako. Nagpapahayag siya ng mga usaping mga bagay tungkol sa Diyos, ng mga makapangyarihang pang-uugali. Pinagkalooban siya ng mga panaginip, na kung saan ang araw na iyon ay tugma o katulad ng pagkakadinig sa tinig ng Diyos.

Ang mga mabababaw na mananampalataya ay mas gustong pag-usapan ang tungkol sa kanilang mga sasakyan, bahay at trabaho, ngunit mas gusto mong pag-usapan ang mga bagay na may kinalaman sa walang hanggan. Maiingit sila sa iyo sapagkat kumakatawan ka sa tawag ng Espiritu Santo na kanilang tinanggihan.

Oo, si Jose ay may ibang kasuotan at ang pagkakaibang iyan ang dahilan kung bakit siya kinamumuhian ng kanyang mga kapatid. At, mga minamahal, ganyan din ang mangyayari sa iyo kapag ikaw ganap na na kay Jesus!