Miyerkules, Agosto 24, 2011

NAKAUGAT AT NAKATANIM SA PAG-IBIG

“Nawa’y manatili si Cristo sa iyong mga puso sa pamamagitan ng inyong pananalig sa kanya . Dalangin ko na ang lahat ng inyong gawain ay nag-uugat sa pag-ibig upang lubusang maunawaan ninyo, kasama ng mga hinirang ng Diyos, kung gaano kalawak, gaano kahaba, gaano kataas, at gaano kalalim ang kanyang pag-ibig. At nawa’y malaman ninyo ang buong pag-ibig ni Cristo na hindi kayang abutin ng pag-iisip upang kayo’y mapuspos ng kapuspusan ng Diyos” (Efeso 3:17-19).

Nag-uugat at nakatanim ay nangangahulugan “na itatag sa ilalim ng malalim at matatag na pundasyon na alam at nauunawaan ang pag-ibig ng Diyos sa iyo.” Sa madaling sabi, ang karunungan ng pag-ibig ng Diyos sa iyo ay ang pinagtatagan ng katotohanan na kung saan ang ibang katotohanan doon itatag!

Halimbawa, ito ang takot sa Diyos na kung saan ito itinatag. Ang banal na takot sa Diyos ay hindi isang nakasisindak na ikaw ay kanyang parurusahan kapag nahuli ka niyang gumawa ng kahit na maliit na kamalian. Sa halip, ito ay ang nakasisindak na kabanalan laban sa rebelyon—at kung ano ang kanyang ginagawa doon sa mga nagmamahal sa kadiliman sa halip na sa liwanag.

Ang mga Kristiyano na namumhay sa kasalanan, takot at pagpaparusa ay hindi “naka-ugat at nakatanim” sa Pag-ibig ng Diyos. Ang ating Amang nasa langit ay isinugo ang kanyang Anak para mamatay para sa ating mga kasalanan at mga kahinaan. At kung walang ganap na kaalaman at ganap na pang-unawa sa ganoong uri ng pag-ibig para sa iyo, hindi ka kailanman magkakaroon ng matatag o permanenteng pundasyon!

“Mauunawaan ninyo…ang pag-ibig ni Cristo” (Efeso 3:18-19). Ang salitang Griyego dito para sa mabatid ay nagmumungkahi nang “sabik na mahawakan o mapanghawakan ito.” Ang pakahulugan ng apostol Pablo para sa iyo ay mahawakan ang katotohanan at gawing itong pundasyon ng iyong buhay Kristiyano. Sinasabi niya sa iyo na ilahad ang iyong espirituwal na kamay at sabihing, “Panghahawakan ko ito!”

Marahil ikaw ay sinalakay ng tukso na nahihirapan kang iwaksi. O maaring may dala-dala kang pag-iisip na hindi mo kayang tapatan, na hindi karapat-dapat—isang pangamba na gagamitin ng diyablo para patirin ka at bibiguin mo ang Diyos.

Ito ang araw na kailangang gumising ka sa pag-ibig ng Diyos para sa iyo! Idinadalangin ko habang binabasa ko ang mensaheng ito, ay may tutusok sa iyong puso, at masasabi mong, ”Tama ka, Kuya Dave. Iyan ako at ayokong mabuhay na ganito!” Idadalangin ko na mapanghahawakan mo ang katotohanang ito—na bubuksan nito ang iyong mga mata at tulungan ka nitong makapasok sa bagong kaharian ng kagalakan at kapayapaan sa iyong pang-araw-araw na paglalakad kasama siya.