Nais ng Diyos na kausapin na mistulang magkasalo kayong naghahapunan. Nais niyang makipag-usap sa iyo, puso sa puso, sa kahit ano at lahat ng bagay! Sinabi ng Bibliya: “Nakatayo ako sa labas ng pintuan at tumutuktok. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, ako’y papasok sa kanyang tahanan at magkasalo kaming kakain” (Pahayag 3:20).
Ang talatang ito ay madalas na gamitin kapag nakikipag-usap sa hindi ligtas. Tinutukoy natin si Jesus na nakatayo sa pintuan ng puso ng makasalanan, nagnanais na pumasok. Ngunit, hindi—si Cristo ay nakikipag-usap sa mananampalataya!
Ang nilalaman nito ay nagpapakita na si Cristo ay nakikipag-usap doon sa mga dinamitan ng puti (katuwiran), na siyang bumili ng ginto na pinakinis ng apoy, na ang mga mata ay pinahiran ng langis (may pahayag), mga iniibig, kinutya at dinalisay (tingnan ang Pahayag 3:15-19). Ito ay ang mga nagsisi, mga banal na tao na nais makilala ang tinig ng diyos!
Habang paulit-ulit kong binabasa ang talatang 20 sa aklat na ito, tatlong salita ang patuloy na naglulumukso sa akin: “Buksan mo ang pinto! Buksan mo ang pinto!” At ang espiritu ng Diyos ay maliwanag na nangusap sa aking puso: “David, ang dahilan kung bakit hindi mo ako naririnig ayon sa nais kong marinig mo ako ay sapagkat hindi mo lubusang binubuksan ang espiritu mo para makarinig!”
Ayon sa nakikita ko, ang pintuang ito ay kumakatawan sa isang pakikipagkasundo—isang bagay na hindi lubusang ginagawa ng maraming Kristiyano. Maraming mananampalataya ay nananalangin ng, “Panginoon ang kailangan ko lang ay isang maliit na payo, ilang pangungusap ng paggabay—isang paalala na iniibig mo ako. Ipaalam mo lamang sa akin kung tama o mali ang ginagawa ko. Pumunta ka sa harapan ko at buksan ang pintuan!”
Ngunit sumagot si Jesus sa atin: “Kung ang kailangan mo lang sa akin ay direksyon, kaya kong ipadala ang propeta sa iyo. Kung alam mo lamang ang patutunguhan mo at ang gagawin mo, maari akong magpadala ng propeta at maari mo itong salain lahat sa pamamagitan niya. ngunit hindi mo ako nasusundan!”
Nais ni Jesus ang iyong paglapit, ang pinakamalalim na damdamin, ang iyong nakasarang silid. Nais maupo na kasama ka at ibahagi ang lahat ng nasa puso niya—ang makausap ka ng harapan. Ang Pahayag 3 ay isang kahanga-hangang larawan nito. Nangungusap ito ng pag-ibig at taos sa puso, at magbahagi ng mga lihim, ng matamis na mga tinig.
Kapag pumasok si Jesus, may dala siyang pagkain at tinapay—sa madaling sabi, siya mismo. Kapag kumain ka, ganap na masisiyahan ka!