And Espiritu Santo ay ginagabayan ako para manalangin para sa isang dakilang pang-unawa sa pag-ibig ng Diyos. Pagkatapos basahin ang 1 Juan 4:16, napag-alaman ko na napakaliit lamang ng nalalaman ko tungkol sa pamumuhay at paglakad sa pag-ibig ng Diyos. “Nalalaman natin at pinananaligan ang pag-ibig ng Diyos. Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nagpapatuloy na umibig ay nananatili sa Diyos.”
Naniniwala ako na ang marami sa mga Kristiyano ay nauunawaan lamang ang pag-ibig ng Diyos ayon sa teolohiyang pang-unawa. Natutunan nila ang pag-ibig ayon sa Kasulatan at narinig nila ito na ipinangaral—gayunman ang kanilang pang-unawa ay limitado lamang sa isang linya mula sa awitin pang-bata: “Iniibig ako ni Jesus alam ko sapagkat ipinahayag sa akin ito ng Bibliya.”
Naniniwala tayo na iniibig tayo ng Diyos, ang sanlibutan at ang mga naliligaw, ngunit ito ay isa lamang na di mahipong pananampalataya! Hindi lahat ng Kristiyano ay makapagsasabi nang may awtoridad na, “Oo, alam ko na iniibig ako ni Jesus—sapagkat nauunawaan ko kung ano ang pag-ibig niya. Ito ang katibayan ng aking pang-araw-araw na paglalakad.”
Ang pang-araw-araw na paglalakad ng maraming Kristiyano, gayunman, ay hindi isang may paniniwala sa pag-ibig ng Diyos; sa halip sila ay namumuhay sa ilalim ng ulap ng pagsisisi, takot at hatol. Hindi ka iniligtas ng Diyos para mahatulan. Sinabi ni Jesus, “Sinasabi ko sa inyo: ang nakikinig sa aking salita at nananalig sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan kundi inilipat na sa buhay mula sa kamatayan” (Juan 5:24).
“Kaya nga hindi na hahatulang maparusahan ang mga nakipag-isa kay Crist Jesus” (Roma 8:1). Ang lahat ng pagsisisi at paghatol ay maliwanag na galing sa diyablo. Ang isang kahulugan ng ng salitang paghahatol ay poot. Ito ay sinasabi na ikaw ay hindi mahahatulan—na sa Araw ng Paghuhukom ikaw ay maliligtas sa kanyang poot. Ngunit ang paghahatol ay nangangahulugan din na “ang damdamin na hindi maabot ang pamantayan.” At ang Salita ay nangangaral sa atin ang mananampalataya ay hindi aabot sa damdaming hindi maaabot ang pamantayan!
“Nawa’y manahan si Cristo sa inyong puso sa pamamagitan ng inyong pananalig sa kanya upang sa inyong pag-uugat at pagiging matatag sa pag-ibig, maunawaan ninyo, kasama ng mga hinirang, kung gaano kadakila ang pag-ibig ni Cristo. At nawa’y makilala ninyo ang di matingkalang pag-ibig na ito upang mapuspos kayo ng kapuspusan ng Diyos” (Efeso 3: 17-19).
Ang nakaugat at naka-apak sa lupa dito ay nangangahulugan na “magtatag sa ilalim mo ng malalim at matatag na pundasyon ng pagkakaalam at pang-unawa sa pag-ibig ng Diyos para sa iyo.” Sa ibang salita, ang karunungan ng pag-ibig ng Diyos para sa iyo ay isang matatag na katotohanan na kung saan ang lahat ng katotohanan ay nararapat maging basehan ng pagtatatag!
Inibig ka ng Diyos!