Nagbabala si Pedro sa mga huling-araw na mga mananampalataya na si Satanas ay darating sa kanila na may malakas na tinig, susubuking manakot. “Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo ay parang leong umaatungal at aali-aligid na naghahanap ng masisila” (1 Pedro 5:8).
Narito ang nais kong tukuyin: Kung ipinaririnig ni Satanas ang kanyang tinig sa mga huling araw na ito, ipinakikita ang kanyang kapagyarihan sa mga ligaw na kaluluwa, gaano pa higit na mas mahalaga para sa mga tao ng Diyos na makilala nila ang tinig ng Ama? Akala ninyo ba ay basta mananahimik na lamang ang Panginoon habang umaatungal si Satanas sa sanlibutan? Hindi kailanman! “Maririnig ang makapangarihang tinig ni Yahweh” (Isaias 30:30).
Mula pa sa panahon ni Adan at Eba, ang Diyos ay nakikipag-usap na sa tao. “Nang dapit-hapon na, narinig nilang naglalakad sa halamanan ang Panginoong Yahweh, kaya’t nagtago sila sa mga puno” (Genesis 3:10).
Mula sa Genesis hanggang sa katapusan ng Bagong Tipan, ginawa ni Yahweh na makilala ang kanyang tinig ng kanyang nga tao. Sa aklat ng mga propeta nakita natin ang talatang ito, “At sinabi ni Yahweh…” paulit-ulit na sinabi. Ang tinig ng Diyos ay nakilala at naunawaan.
Pinatunayan ito ni Jesus sa Bagong Tipan, ginamit ang halimbawa ng Mabuting Pastol. “Pinakikinggan ng mga tupa ang kanyang tinig. Tinatawag niya ang kanyang mga tupa sa kani-kanilang mga pangalan” (Juan 10:3-4).
Nagtago si Adan sa tinig ng Diyos, dahilan sa kanyang pagkakasala at kahihiyan sa kanyang kasalanan. At iyan mismo ang kalalagayan ng maraming mga tao ng Diyos ngayon—nagtatago, takot na marinig magsalita ang Diyos!
Kung nais mong marinig ang tinig ng Diyos, kailangang handa ka na ang iyong kaluluwa ay linisin. “Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya’y tapat at matuwid” (1 Juan 1:9).