Miyerkules, Agosto 31, 2011

MAY TUGON BA ANG DIYOS SA LAHAT NG AKING MGA KATANUNGAN?

Ang sinumang mananampalataya na nagnanais na malugod ang Diyos sa kanyang buhay ng pananalangin ay kailangang harapin ang katanungang ito: “Mayroon ba ang Diyos ng lahat ng aking mga pangangailangan? O kailangan bang magtungo ako sa iba para sa aking mga katugunan?”

Ito ay lumalabas na simpleng katanungan lamang—isang hindi na kailangan na itanong pa. at maraming Kristiyano ay daliang sasagutin, “Oo, naniniwala ako na ang Diyos ay mayroon ng lahat ng aking mga pangangailangan.” Ngunit ang katotohanan ay ang marami ay hindi lubos na kumbinsido!

Sinasabi natin na naniniwala tayo dito. Umaawit tayo ng mga imno at ipinangangaral ang mga ito. Ngunit kapag dumating ang krisis, hindi tayo tunay na naniniwala na mayroon siya ng lahat ng ating mga pangangailangan!

Ipinahayag ni Pablo: “At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus” (Filipos 4:19). Ang Diyos ay may kamalig ng kasaganaan upang matugunan ang ating bawat pangangailangan!

Bakit patuloy na nililigalig ng naguguluhang babae sa talinhaga ni Jesus ang hindi makatarungang hukom, humihingi sa kanya ng katarungan? Ito ay sapagkat alam niya na siya lamang ang may kapangyarihan at kapahintulutan na lutasin ang kanyang suliranin. Wala na siyang ibang mapupuntahan pa (tingnan ang Lucas 18:1-8).

Kung mayroon lamang tayong sariling na kaalaman na ang Diyos lamang ang mayroon ng lahat ng ating mga pangangailangan, hindi na tayo lalapit pa kahit kanino na walang katuturan. Ang Diyos ay matuwid at banal na hukom at mayroon siya ng lahat ng kaalaman, kapangyarihan at kapahintulutan para lutasin ang anumang suliranin na ating hinaharap.

Gumugol ang Diyos ng apatnapung taon para kumbinsihin ang Israel na hindi sila magkukulang sa anumang bagay—na siya ang patuloy na panggagalingan at magkakaloob: “Pinagpala kayo ni Yahweh sa lahat ng inyong ginawa, at hindi niya kayo hiniwalayan sa inyong paglalakbay sa ilang. Sa loob ng apatnapung taon, hindi kayo nagkulang sa anumang bagay” (Deutoronomo 2:7).

Sinabi ng Diyod, “Hindi dadalang, walang magiging pagkukulang sa pamamagitan Ko. Nasa akin ang lahat ng kakailanganin mo!”

“Sapagkat kayo’y dadalhin niya sa isang mainam na lupain…doon hindi kayo magkukulang ng pagkain o anumang pangangailangan…mabubusog kayon roon” (Deutoronomo8: 7-10, 12).

Ngayon, tayo ay dinala ng Panginoon sa Lupang Ipinangako—si Cristo Jesus para sa atin ay ang tahanang tinitirahan na kung saan ay walang pagkukulang. Kumakatawan siya sa kapuspusan ng Diyos.