Itinanong ng Diyos, “Tunay bang naniniwala ka na lubos kong nakikita ang iyong pinagtitiisan ngayon?” Marahil habang binabasa mo ito, ikaw ay may pinagdadaanan na nangangailangan na siya ay kumilos para sa iyo. Ang pinaka likas ng iyong suliranin ay humihingi ng katugunan.
Minamahal, naniniwala ka ba na nagmamasid ang Diyos sa bawat kilos mo, bilang ama sa kanyang sanggol na anak? Alam mo ba sa puso mo na kanyang ipinapaliwanag ang bawat laman ng iyong isipan? Naniniwala ka ba na siya ay kumikilos—inilalagay sa sisidlan ang bawat luha, naririnig ang bawat buntong hininga, nagbabantay sa iyo, nagmamahal at nag-aalala para sa iyo?
Ipinapaliwanag ng Bibliya na iyan ang kanyang ginagawa!
“Mga mata ni Yahweh, sa mat’wid nakatuon, sa kanilang pagdaing, lagi siyang tumutugon… agad dinirinig daing ng matuwid; inilligtas sila sa mga panganib” (Awit 34:15, 17).
“Nagmamasid si Yahweh sa buong daigdig upang tumulong sa lahat ng tapat sa kanya” (2 Cronico 16:9).
Naniniwala ka ba na ang Diyos ay ganap, lubos na alam ang bawat laman ng iyong isipan, dalamhati, dusa, pagsubok, pananalapi, dalahin, suliraning pamilya—at nais niyang makita ka na malampasan mo ang lahat ng ito?
Sinabi ng mang-aawit sa atin, “Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya, gayon siya nahahabag sa may takot sa kanya” (Awit 103:13).
Ang salitang Hebreo para sa habag ay nangangahulugan na “para maglambing, para yakapin, umibig, mahabagin.” Sinasabi ng Kasulatan niyayakap ng Panginoon sa kanyang mga kamay ang mga may takot sa kanya. Niyayakap ka ng Diyos, hinihipo niya ang iyong mga pisngi, hinahawakan ka niya. sinasabi niya, “Alam ko ang nasa isipan mo, ang iyong alalahanin, ang bawat pakikipaglaban na iyong hinaharap at inaalala kita!” Anuman ang iyong pinagdadaanan, anuman ang iyong nararamdaman, nakikita lahat ito ng Panginoon! Nadarama niya ang bawat sakit. Alam niya ang bawat kilos na ginagawa mo—lahat ng sinasabi mo at ginagawa.
Hindi nagagalit ang Diyos sa iyo ngayon. Hindi! Pinapahalagahan ka niya, niyayakap, may pagmamahal na iniisip ka niya. Alam niya kung ano ang nadarama mo—at inaalala ka niya! sinasabi niya, “Oo, dumadaan ka sa mabigat na pagsubok; tinutukso ka at hinahagis-hagis. Ngunit anak kita at hindi ko papayagan ang kalaban na bitagin ka, titiyakin ko na malalampasan mo lahat ito!”