Lunes, Setyembre 5, 2011

BAKIT SINAGOT NG DIYOS ANG PANALANGIN NI DAVID!

Ipinaliwanag ni David sa atin kung bakit tinugon ng Diyos ang kanyang panalangin: “Nang nasa panganib, ako’y kanyang tinulungan, ako’y iniligtas sapagkat kanyang kinalugdan!” (Awit 18:19).

Ang kalugdan dito ay nangangahulugan ng “ang malugod o magalak,” Sinasabi ni David, “Dala ko ay kaluguran sa Diyos. Iniligtas niya ako sapagkat nalugod siya sa akin!” At, minamahal, nalulugod siya sa iyo at sa akin din!”

Nakita mo, tayo na nananalig sa Panginoon ay kanyang mga banal na Zion, ang Kanyang banal na mga labi, ang labi ay nangangahulugan, “yaong mga tumatawag sa Panginoon na may dalisay na puso.” Sila ay yaong mga tinawag sa kaharian ng Kristiyano na lubos na tapat kay Jesus.

Sa mga tinawag sa Zion, sinabi ng Diyos; “Ikaw ay magiging magandang korona sa kamay ni Yahweh, isang maharlikang putong na hawak ng Diyos. Hindi ka na tatawaging ‘Pinabayaan,’ at ang lupain mo’y hindi na rin tatawaging ‘Asawang Iniwanan,’ Ang itatawag na sa iyo’y ‘Kinalulugdan ng Diyos,’ at ang lupain mo’y tatawaging ‘Maligayang Asawa,’ sapagkat si Yahweh ay nalulugod sa iyo, at ikaw ay magiging parang asawa sa iyong lupain” (Isaias 62:3-4).

Bakit ang Diyos ay dumarating kapag kailangan ko siya, handang iligtas ako? Ito ay sapagkat nalulugod siya sa akin! Ako ay kagalakan sa kanya at masaya siya sa aming pagkakaibigan!

Isang pinahahalagahang nakababatang lalaki ay minsang sinabi sa akin: “Hindi ako ganap na kumbinsido na ako ay ganap na tinanggap ng Panginoon. Madalang kong madama na ako sapat na para sa Diyos—katulad nang hindi ko matapatan ang pamantayan niya. Madalas kong pinagsisikapan na payapain siya sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti sa iba.”

Maraming Kristiyano ay ganito ang nadarama! Sa maraming taon marami akong nakilalang mga matatandang Kristiyano na walang kasiguruhan sa Panginoon. Ang nadarama nila ay sila ay hindi karapat dapat, marumi, walang nagmamahal. Hindi sila naniniwala na sila ay kaluguran sa puso ng Diyos, kaya’t patuloy nilang sinusubukan ang iba pa para sa buhay nila upang malugod Siya. Kapag nabigo sila sa isang bagay, gagawa sila ng tatlong bagay pa sa ibang paraan para magalak ang Diyos.

Minamahal, hindi nararapat ito! Kapag lumapit ka kay Jesus, hindi ka maaring gumawa ng bagay para maging kaaya-aya sa kanya. Hindi, siya ay nagbibigay pahalaga sa iyo sapagkat iyan Siya! Sinabi niya, “Ibabalik ko ang lahat ng nawala sa inyo nang pinsalain ng katakut-takot na balang ang inyong mga pananim. Ako ang nagpadala ng hukbong ito laban sa inyo” (Joel 2;25).

Anuman ang iyong kabiguan o pagkukulang, ang Diyos ay gagawa para sa iyo!