Lunes, Setyembre 12, 2011

ANG KAPANGYARIHAN NG ISANG MALINIS AT WALANG KAPINTASANG BUHAY

Kapag itinalaga mo ang iyong puso na lumakad na walang kapintasan sa harap ng Diyos—ang mamuhay sa paraan na nakalulugod sa Panginoon—katatakutan ka at hahamakin noong mga nawala ang biyaya ng Diyos. Mga malahininga o nakompormisong mga Kristiyano ay ganap na gagambalain o iwawaksi ng iyong buhay!

Nakita natin ito na maliwanag na inilarawan sa 1 Samuel: “Si Saul ay natakot kay David pagkat nadama niyang hindi na siya pinapatnubayan ninYahweh…Pinangunahan ni David ang kanyang mga tauhan at saan man mapalaban ay nagtatagumpay pagkat pinapatnubayan siya ni nYahweh. Dahil dito, lalong nasindak sa kanya si Saul” (1 Samuel 18:12-15).

Ang walang kapintasang pag-uugali ni David ay lalong nakapagpasindak sa puso ni Saul! Sa tuwinang si Saul ay nasa paligid ni David, natandaan niya ang sandal na taglay niya ang biyaya ng Diyos at ang mataas na paggalang ng mga tao. Ngunit ang hindi pagsunod, inggit, pagmamataas at sariling pagsunod ay nagdulot kay Saul na mawala ang bawat kapangyarihan sa Diyos. At ninakawan siya nito ng paggalang ng mga tao.

Ngayon, si Saul ay humaharap sa isang nakakabatang lalaki—mas kulang ang karanasan, marahil ay hindi mahusay magsalita na lalaki—na nagpapamalas ng kapangyarihan at katapatan ng kabanalan. Siya ay may dalisay na puso, puspos ng Espiritu Santo at si Saul ay natatakot sa kanya!

Huwag kalilimutan na siya ay hindi isang paganong sumasamba sa mga idolo na takot kay David. Hindi, si Saul ay isang lalaki na dating alam ang kapangyarihan ng Espiritu Santo! Siya ay minsan nang naging binasbasan ng langis ng Diyos, isang makapangyarihang lalaki na pinili ng Diyos!

Si David ay simple lamang na namumuhay ng isang malinis na buhay at ibinubuhos ng Diyos ang biyaya sa kanya! “Sa kabilang dako, si David ay lalong napapamahal sa buong Israel at Juda dahil sa kanyang pagtatagumpay laban sa mga kaaway” (1 Samuel 18:16).

Ayaw ni Saul na malagay sa kapaligiran ni David. Sinasabi ng Kasulatan, “Kaya para malayo ito sa kanya, ginawa niya itong puno ng 1,000 kawal” (1 Samuel 18:13). Ang malungkot, si Saul ay kumakatawan sa mga napakompormisong iglesya sa ngayon, yaong mga Kristiyanong nakipagkompormiso at nawala ang basbas ng Diyos. Siya ay isang uri ng mananampalataya na minsan ay puspos ng Espiritu Santo, nabautismuhan, sa apoy ng Diyos, ngunit ninakawan ng lahat na minsan ay galing sa Diyos dahilan sa kanilang hindi pagsunod, pagmamataas, at pita ng laman.

Wala nang ibang nakaatakot pa sa isang napakompormisong Kristiyano kaysa sa isang banal na walang kapintasang pamumuhay. At habang lalong napapahanay sa kalooban ng Panginoon, lalo ka pang iwawaksi ng mga nagbalik kasalanang mga mananampalataya.