“Ngunit saan kaya matatagpuan itong karunungan? At ang pang-unawa, saan kaya matututunan? 3Hindi alam ng tao ang daan tungo sa karunungan; wala ito sa lupain ng mga nabubuhay” (Job 28:12-13).
Karunungan,
Sino ang makatatagpo nito?
Saan?
Ang kalaliman ay nagsabi, “Ito ay wala sa akin.”
Ang karagatan ay nagsabi, “Ito ay hindi ko kasama.”
Hindi ito makukuha sa pamamagitan ng ginto,
Pati na ang pilak ay hindi matitimbang
Para sa halaga nito.
Hindi maaring bigyan ng kuwenta… mamahaling oniks
O… sapira.
Hindi ito maaring ipagpalit sa mga hiyas,
Huwag nang isali ang mga bulaklak sa bato o mga perlas,
Para sa halaga ng karunungan
Ay higit pa sa mga batong mamahalin.
Kung ganoon kailan darating ang karunungan ?
Saan ang lugar ng pagkakaunawa?
Nauunawaan ng Diyos
At alam Niya kung nasaan ito.
Siya na nakakita sa kabuuan ng langit,
Siya na nakasusukat sa timbang ng hangin,
Sa mga tao ito ang sabi Niya,
“Narito
Ang takot sa Panginoon—
Iyan ang karunungan
Ang lumayo sa kasamaan—
Iyan ang pagkakaunawa,
Ang takot sa Panginoon ay ang simula
Sa lahat ng karunungan
Siya na may karunungan,
Hayaan siya sa pag-ibig
Matakot sa Diyos
At iwaksi ang mga kasalanan.”