Miyerkules, Setyembre 28, 2011

ANG INA NG LAHAT NG MGA KASALANAN

Makagagawa ako ng listahan ng isang katalogo ng mga kasalanan na madalas na ginagawa ng mga Kristiyano, ngunit wala isa man dito ay makatutumbas sa kasalanan na nais kong pag-usapan. Ang ina ng lahat ng mga kasalanan—yaong isa na nagsilang sa lahat ng iba pang kasalanan—ang kasalanan ng kawalan ng pananalig!

Hindi ko tinutukoy ang kawalan ng pananalig ng isang pinatigas na makasalanan. Ang kawalan ng pananalig ng mga tampalasan, mga hindi naniniwala sa Diyos ay hindi man lamang makauuga sa Diyos. Hindi, ang bagay na nakapagbibigay poot sa Diyos nang higit pa sa anuman ay ang kawalan ng pananalig at nakagugulong pagdududa noong mga tumatawag sa kanya sa pangalan Niya! Ang kanyang mga anak na nagsasabi na “Ako na na kay Jesus,” gayunman ay mga nagdududa, may takot at kawalan ng pananalig sa kanilang mga puso ay nakapagbibigay dalamhati sa kanya ng higit pa sa anuman!

Gaano kalubha na dinadala ng Diyos ang kasalanan ng kawalan ng paniniwala! Nagbabala si Judas sa iglesya sa pamamagitan ng mga salitang ito: “Kahit na alam na ninyo ang lahat ng ito, nais ko pa ring ipaalala sa inyo na matapos iligtas ng Panginoon ang bansang Israel sa lupain ng Egipto, pinuksa niya ang mga taong hindi nananalig sa kanya” (Judas 5).

Si Judas ay nagpapaalala sa mga mananampalataya ng paninindigan ng Diyos patungo sa kawalan ng pananalig! Sinasabi niya, “Dala ko para inyong alaala ang sinasambit na poot ng Diyos patungkol sa kawalan ng pananalig ng kanyang mga iniligtas na mga tao. Sa pagligtas niya sa mga tao, pagkatapos ay pupuksain yaong mga hindi nananalig!”

Minamahal, naniniwala ako na tinawag ako ng Diyos upang ilagay ang kanyang iglesya sa pagpapaalala ng katulad na mga bagay! “Nangyari iyon sa kanila bilang babala sa iba, at isinulat upang tayo namang nabubuhay ngayong mga huling araw ay maturuan” (1 Corinto 10:11). Maaring hindi na puksain ng pisikal ng Diyos ang kanyang mga tao katulad ng ginawa niya sa Lumang Tipan ngunit ang kanyang paghuhusga sa ating kawalan ng pananalig ngayon ay espirituwal at ang mga ito ay ganoon din kabigat.

Ang kawalan ng pananalig ay nakawawasak ngayon katulad din noon. Maaring hindi tayo magiging asin, ngunit tumitigas pa rin ang ating mga batok at nagiging masaklap! Ang lupa ay hindi bumubuka para lamunin tayo ngunit nilalamon tayo ng kaguluhan, kabigatan at mga suliraning pampamilya. Ang apoy ay hindi bumababa at nilalamon tayo ngunit ang ating espirituwal na pamumuhay ay nawawasak.

Marami sa atin ay nakararanas ng ina ng lahat ng mga kasalanan at hindi man lamang tayo natatakot dito. Hindi natin siniseryoso ang ating kawalan ng pananalig; sa katunayan, namumuhay tayo na para bang kinikindatan lamang ito ng Diyos. At gayunman ito ay ang isang pagkakasala na nagbubukas sa ating katawan at espiritu sa iba pang kasalanan na alam ng tao.