Biyernes, Setyembre 2, 2011

HANDA BA ANG DIYOS NA TULUNGAN AKO?

Naniniwala ka ba na ang Diyos ay agarang darating upang lutasin ang iyong suliranin?

Dito maraming Kristiyano ay bigo. Alam nila na ang Diyos ay mayroong lahat ng kanilang pangangailangan—tanggap nila na Siya ay nag-aalala ngunit hindi sila kumbinsido na agarang darating ang Diyos para tulungan sila.

Kapag ang Diyos ay hindi agad tumutugon sa kanilang mga daing, iniisip nila na may hadlang at pangsariling malalim na nakahadlang. Iniisip nila ang lahat ng dahilan kung bakit ang Panginoon ay hindi handang tulungan sila.

Sa bundok ng Carmel, inakusahan ni Elias ang paganong diyos na si Baal ng pagbabalewala sa anak:

“Mula umaga hanggang tanghali, tinawagan nila si Baal. ‘Ball, Baal, pakinggan mo kami,’ sigaw nila… ngunit walang sumasagot” (I Mga Hari 18:26).

“Nang katanghalian na’y hinamak na nila si Elias. Sabi niya, ‘Lakasan pa ninyo! Isa siyang diyos, di ba? Baka nagbubulay-bulay pa siya, o kaya’y nasa palikuran! O baka naman may pinuntahan lang. O baka natutulog kaya’t kailangang gisingin!’ Lalo na nilang inilakas ang kanilang sigaw. Hiniwaan pa nila ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kutsilyo at punyal tulad ng kanilang kaugalian hanggang sa maging duguan sila…. Ngunit wala pa ring tinig o anumang sagot” (1 Mga Hari 18:27-29)..

Pakinggang muli ag mga salitang ito: “Ngunit wala pa ring tinig… o anumang sagot.”

Ganito natin inakusahan ang Diyos ng pagbabalewala sa anak! Nanalangin tayo. Dumaing tayo ng malakas sa Diyos, ngunit sinunod pa rin natin ang ating sarili na hindi niya tayo nadinig! Lumayo tayo sa presensiya ng Panginoon—palayo sa simbahan, palayo sa lihim na silid—iniisip kung tayo ba’y binigyan niya ng pansin!

Ang Panginoon ay laging handa na makinig at tugunin ang ating mga daing ng tulong. Gusto ko kung ano ang sinabi ni David sa kanya: “Magpapatawad ka at napakabuti; sa dumadalangin at sa nagsisisi, ang iyong pag-ibig ay mananatili… Dumarating ako kapag mayro’ng bagabag, iyong tinutugon ang aking pagtawag” (Awit 86:5,7).

Sinabi ni David, “Ang aking Diyos ay handa na tugunin sko sa sandaling ako ay dumaing sa Kanya! Hindi ako tumitigil at pinag-iisipan ang aking pightai, hindi ako nagdadalamhati tungkol dito o pag-isipan pa ito. Dumudulog ako sa aking Panginoon at dumadaing, ‘Saklolo!’”

Iyan lamang ang hinihintay ng Diyos—ang iyong makadurog pusong daing, salita na may pananampalataya na parang bata!