Martes, Setyembre 6, 2011

ANG KAPANGYARIHAN LABAN SA TAKOT

Kapag ako’y natatakot, O aking Diyos na dakila; sa iyo ko ilalagak, pag-asa ko at tiwala (Awit 56:3)

Ako’y natatakot.
Pangamba at panginginig ay nangyayari sa akin;
Ang sindak ng kamatayan ay bumagsak sa akin.

TAKOT
Sapagkat mas maraming masama sa akin kaysa sa mabuti,
Pagsisinungaling sa halip na katuwiran,
Kahinaan sa halip na kalakasan,
Katulad ako ng hilaw na olibong puno
Na walang bunga,
O, na mayroon akong pakpak na katulad ng kalapati,
Lilipad akong palayo
At para mapahinga.
Mamadaliin ko ang aking pagtakas,
Mula sa malakas na bagyo
At unos.

TAKOT
Maaring itapon ako ng Diyos
At sumpain ang berdeng punong ito,
Sapagkat dumating Siyang naghahanap ng bunga
At walang natagpuan.

TAKOT
Upang ako ay magtiwala sa Kanya.
Tatawag ako
At ililigtas niya ako.
Madidinig niya ang tinig ko.
At ililigtas ang kaluluwa ko na may kapayapaan
Mula sa labanan
Na laban sa akin.
Ibobotelya niya ang mga luha ko.
Ang Diyos ay para sa akin.
Ilalayo niya ang mga paa ko sa pagbagsak,
Upang makalakad ako sa kanyang harapan

SA LIWANAG NG MGA BUHAY