“Saksi namin kayo at gayon din ang Diyos na kami ay tapat, mabuti, at ganap sa pakikitungo sa inyo na mga sumasampalataya” (1 Tesalonica 2:10).
Iyan ay isang makapangyarihan na pahayag na ginawa—na tawagin ang Diyos bilang saksi sa iyong kabanalan! Gayunman, walang kaudlut-udlot, si Pablo ay nagmalaki sa mga mananampalataya na taga Tesalonica. “Ang mga kamanggagawa at ako ay namuhay na walang kapintasan sa harapan ninyo at sa harapan ng Diyos. Ang aming mga pag-uugali ay makatuwitran at dalisay. Diyos ang saksi sa aming banal na asal at kayo man ay saksi.Nakita ninyo na kami ay naglakad ng may kabanalan at walang kapintasan sa harapan ng Diyos at ng mga tao!”
Si Pablo ay isang mahusay na mangangaral at alam niya ang lihim ng kahusayan niya na maakay ang mga tao patungo sa Diyos. Kaya niyang tumayo na may kalakasan ng loob sa harapan ng bawat buhay na kaluluwa, sa bawat saklaw ng hari at sumaksi: “Namumuhay ako araw-araw sa ilalim ng pagmamasid ng isang banal na Diyos. Lagi akong naglalakad na para bang ang kanyang banal na mga mata ay nakatingin sa akin. At kayong lahat ay saksi sa aking walang kapintasang pamumuhay!”
Ang apostol ay naghangad sa bawat mananampalataya na magkaroon ng katulad na kapangyarihan na mayroon siya na maakay ang mga tao patungo sa Diyos. Nanalangin siya gabi at araw na ang lahat ng mga anak ng Diyos ay maging banal at walang sala sa harapan ng Diyos: “Sa gayon, kayo’y manatiling banal at walang kapintasan sa harapan ng ating Diyos at Ama hanggang sa muling pagdating ng ating Panginoong Jesus, kasama ang mga hinirang niya” (1 Tesalonica 3:13).
Ang mayamang batang namumuno na lumapit kay Jesus ay naging mabuti mula pa sa kanyang pagkabata hanggang sa pagtanda at iyan ay nakapagdulot ng pag-ibig at paggalang ni Jesus (tingnan ang Mateo 19:16-20). Ngunit mayroong kulang at ang bagay na iyan ay nakapagdulot ng pagbabago! Minamahal, kung wala kang katulad na layunin sa lahat ng iyong sinasabi at ginagawa, hindi ka maaring maging walang kapintasan sa harap ng Diyos at mga tao: “Kung magkagayon, mabibigyan ninyo ng karangalan ang pangalan ng ating Panginoong Jesus, at kayo naman ay bibigyan din ng karangalan ayon sa kagandahang-loob ng Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo” (2 Tesalonica 1:12).
Ito ang nakapagtulak kay Pablo upang makapamuhay na walang kapintasan: Siya ay nanibugho para sa kaluwalhatian at pangalan ni Jesus! Alam niya na ang lahat ay kailangang maitatag sa ganoong pundasyon—sapagkat lahat ng kabutihan ng tao ay kasing dumi ng maruming basahan! Ang bagay na nakapagbubukod sa walang kapintasang paglalakad ay isang matinding pagnanasa na maparangalan ang pangalan ni Jesus sa harapan ng mga tao.