“Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayo lagi” (Colosas 3:15).
Ang isang talatang ito ay naglalaman ng isang di-kapani-paniwalang utos: Tinawag ng Diyos ang kabuuang katawan ni Jesu-Cristo para hayaang ang Kanyang kapayapaan ang mamahala sa ating mga puso, pag-iisip at katawan! Ang kapayapaan ng Diyos ang dapat maging tagapamagitan ng ating mga buhay, nakaupong naghahari sa lahat. Kung may panahon mang ang pagtawag na ito kakailanganing patunugin, ito ay ngayon sa sandali ng kaguluhan at kalituhan!
Bakit ipinag-utos ng Panginoon sa mga naunang iglesya na hayaang ang Kanyang kapayapaan ang maghari sa kanilang mga buhay? Ito ay sa dahilang alam Niya ang parating na mga mangyayari at nais Niyang ihanda sila! Sa nalalapit na ilang mga taon, mga di-kapani-paniwalang kaguluhan ay darating sa kanila. Sila ay pahihirapan at aalipustain. Haharap sila sa taghirap na panahon, mawawalan ng mga tahanan, kukumpiskahin ang kanilang mga ari-arian, aatakihin ng mga malulupit na mga tao na ang iniisip ay ginagawan nila ng pabor ang Diyos sa pamamagitan ng pagpatay sa kanila. Nagbabala ang Diyos sa kanila, inihanda sila, “Kayo ay ipapasailalim sa aking kapayapaan sapagkat ito lamang ang makapagliligtas sa inyo sa mga di-kapani-paniwalang pagbabago na parating!”
“Isagawa ninyo ang lahat ng inyong natutuhan, tinanggap, narinig at nakita sa akin. Sa gayon, sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan” (Filipos 4:9).
Sa mga panahong ito ay mayroong di-totoong kapayapaan na lumalaganap sa maraming simbahan, kapayapaang mabibigo pagdating ng magulong panahon. Ito ay kapayapaan ng mga nagmamatigas, mga Kristiyanong binulag ng kasalanan! Tinawag ni Moses ang mga mananampalatayang kagaya nila “pinagpala ang sarili,” ang kahulugan ay dinadaya ang sarili. Nagbabala Siya sa Israel na may sumpa na darating sa lahat ng mga nagkakasala, mga hindi sumusunod na mga anak ng Diyos na naglalakad sa pagsamba sa mga diyus-diyosan. Sinabi niya na tatapalan nila ng huwad na kaisipan ng kapayapaan ang kanilang makasalanang gawain: “Baka kung marinig niya ang mga tuntunin ng kasunduang ito ay sabihin niya sa kanyang sariling hindi siya mapapahamak kahit sundin ang sariling kagustuhan. Ito ang magdadala ng kapahamakan sa lahat, mabuti man o masama” (Deutoronomo 29:19).
Isinalarawa ni Moses ang anak ng Diyos na nagpasiya na bigyang kasiyahan ang pita ng kanyang laman para sa kasamaan! Nakatagpo siya ng kaaya-ayang doktrina na nagsasabi sa kanya na hindi masama ito, siya’y ligtas pa rin, patungo pa rin ng langit, habang nagpapatuloy sa kanyang kasalanan. Sinasabi niya sa sarili niya, “Gagawin ko kung ano man ang gusto ko at hindi pa rn mawawala ang kapayapaan sa puso ko.”
Kahit ano pa ang mangyari sa Amerika o sa mga bansa sa sanlibutan, walang anumang kapangyarihan sa impiyerno ang makananakaw sa iyo ng kapayapaan ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, na kanyang itinanim sa inyong kaluluwa! Gagawin niya sa mga tao niya na ang kapayapaan ang maghahari.
“Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ng Diyos.”