“Kung ang sinuman sa inyo ay may isandaang tupa at mawalan ng isa, ano ang gagawin niya? Hindi ba’t iiwan niya ang siyamnapu’t siyam sa pastulan at hahanapin ang nawawala hanggang sa ito’y matagpuan?” (Lucas 14:4)
Si Jesus ay nagpapahayag dito ng isang tupa na kasama sa marami. Maliwanag, ito ay kumakatawan sa isang kabilang sa samahan ng mga tao ni Cristo, isa na malusog at alaga ng isang mapagmahal na pastol. Gayunman ang tupang ito ay naligaw, kaya’t ang pastol ay umalis para hanapin ito.
Pansinin kung ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa pastol dito: “Hinanap niya ang nawalang tupa hanggang sa matagpuan niya ito.” Ang Diyos ay hindi nagpapabaya sa sinumang kasama Niya na naligaw. Sa halip, lalakad Siya para hanapin ang tupang ito, yayakapin ito at ibabalik sa kawan nito.
Sa madaling sabi, maaring malugmok ka sa kasalanan na halos umabot ka na sa sukdulan ng impiyerno, at hahanapin ka pa rin Niya. Nagpatotoo si David, “Kung langit ang puntahan ko, tiyak na naroon ka” Awit 139:8).
Narinig na nating lahat ang pangungusap na “impiyerno sa lupa.” Ganyan ang takbo ng buhay noong mga tao na lumayo sa Diyos. Ang kanilang “higaan sa impiyerno” ay isang kakila-kilabot na kalagayan. Ito ay nangangahulugan na nabihag ng kasalanan, napabukod ng malayo mula sa Panginoon na nauwi sa pagkahulog sa isang walang kabuhay-buhay na pagkakaidlip. Ang pagkakaidlip na ito ay may kasamang nakayayamot na takot na bumubulong ng , “lalo kang nababaon ng malalim sa impiyerno. Hindi ka na makakabalik pa sa Diyos.”
Ang mensahe ni Cristo sa atin ay, “Maaring gumawa ka ng sariling higaan sa impiyerno, ngunit hindi ka ganap na nasa ilalim ng kasalanan para sa Akin upang maabot Kita at tanggapin ka ng bukas ang Aking mga kamay.”
Nang matagpuan ng pastol ang nawala, na sugatang tupa, kinarga niya ito pabalik sa bahay. “Pagdating sa bahay, aanyayahan niya ang mga kaibigan at mga kapitbahay at sasabihin sa kanila, ‘Makipagsaya kayo sa akin dahil nakita ko na ang tupa kong nawawala!’ (Lucas 15:6).
“Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan kaysa siyamnapu’t siyan na di nangangailangang magsisi.” (Lucas 15:7).