Biyernes, Oktubre 7, 2011

INILARAWAN NG DIYOS ANG KANYANG PAG-IBIG SA KANYANG MGA TAO

Inilarawan ng Diyos ang sarili Niya sa paraang ito: “Ako ang nagturo kay Efraim na lumakad, inakay ko siya sa kanyang paghakbang; ngunit hindi niya kinilala ang pag-aalaga Ko sa kanya” (Hosea 11:3).

Sa naunang wika ang talatang ito ay mababasa, “Dumating ako sa kanila sa sandali na kanilang kawalan ng pag-asa at may pagmamahal na inalagaan sila sa sandali ng marumi, magaspang na lugar. Hawak ko sila sa aking mga kamay habang inaalagaan!” Ngunit sinabi sa Hosea 11:7, “Ang bayan ko’y nagpasya nang tumalikod sa Akin. Ang salitang tumalikod dito ay nangangahulugan na “nakabitin sa alanganin, nakabitin sa pagdududa.”

Ang Israel ay hindi nakakasiguro sa pag-ibig at kagiliwan ng Panginoon at sinasabi ng Diyos kay Hosea, “Ang mga tao ay nagdududa sa aking pag-ibig sa kanila. Hindi nila ako lubos na kilala at hindi sila nakasisiguro sa Aking pag-ibig!’

Iyan ay totoo! Hindi makapaniwala ang Israel na iniibig pa rin sila ng Diyos. Sila ay mga sumasamba sa mga diyus-diyosan, nagbalik sa pagkakasala at mga nagdududa at marahil ay iniisip nila, “Kami ang nagbigay ng dahilan sa Diyos sa pagkawala ng kanyang kaluguran sa amin. Sinadya naming magkasala at tiyak na huhusgahan Niya kami! “Pababayaan ba kita Efraim?. . . Hindi ito kayang gawin ng puso ko; kahabagan ko’y nananaig” (t 8).

Pakinggan ang Kanyang mga salita na nagbibigay aliw at kagalingan sa iyo:

“Ako ang nagbigay ng buhay sa aking bayan, sila’y hindi ko patuloy na uusigin; ang galit ko sa kanila’y hindi mananatili sa habang panahon” (Isaias 57:16). Sinasabi ng Panginoon, “Kung ang lahat lamang ng nakikita ninyo sa Akin ay galit, ang espiritu mo ay mabibigo sapagkat ito lubos na mananaig.”

“Nagalit ako sa kanila dahil sa kanilang kasalana’t kasakiman, kaya sila’y aking itinakwil. Ngunit matigas ang kanilang ulo at patuloy na sumuway sa akin. Sa kabila ng ginawa nila, sila’y aking pagagalingin at tutulungan, at ang nagluluksa’y aking aaliwin” (t 17-18).

Maaring dumadaan ka sa malalim na suliranin ngayon. Hindi tukso o pagsubok ang tinutukoy ko. Ang tinutukoy ko ay ang mga nakapananaig na kalagayan na dumarating sa iyo na hindi mo maunawaan. Lahat ng uri ng hangin at alon ay nilulunod ka, mga bagay na hindi abot ng iyong pang-unawa. Dumarating ito sa iyong tahanan, sa iyong iglesya, sa iyong trabaho, sa lahat ng paligid. Ngunit nais ng Diyos na mailigtas ka sa lahat ng ito! Nais Niyang maipanumbalik ka sa iyong espirituwal na kalusugan! Kung ang lahat ng maari mong paniwalaan ngayon ay ang malaman mo na iniibig ka Niya sa kabila ng lahat ng iyong pagmamatigas na pamamaraan, na nakikiusap Siya sa iyo na tumingin sa Kanya bilang iyon Banal na Tagapag-alaga, at iyan ay sapat na!