Martes, Oktubre 11, 2011

ANG MALAKING KAPAHAMAKAN

Isang siyentipiko ang nagsabi sa malaking kapahamakan, “Ang buong sanlibutan ay nayanig.” Mayroon pang nagsabi “ang pinakamalagim na kapahamakang kalikasan sa buong sanlibutan.” Isinasalarawan nila ang lindol sa ilalim ng tubig na nagwasak sa buong baybay-dagat sa Asya ilang taon na ang nakararaan. Libu-libo ang naiwang patay. Patuloy tayong nakakakita ng mga kapahamakan sa kapaligiran natin.

Kapag may kahindik-hindik na pangyayari ang dumating, lumalapit ako sa Ama na may isang tanong: “Panginoon, ano ang mga nangyayaring ito? Ito ba ay isa lamang di-maipaliwanag na sakuna ng kalikasan, o mayroon bang dapat malaman ang iyong mga tao kung bakit nangyari ito?”

Nagluluksa kami sa hindi maisalaysay na kirot at paghihirap na pinagtitiisan ng marami. Taimtim kaming nananalangin para doon sa mga nasalanta. Ang aming ministeryo ay nagpadala ng libu-libong dolyar sa pamamagitan ng ahensya ng mga Kristiyanong tumutulong upang muling maitayo ang mga iglesya at mga tahanan sa mga nasalantang lugar. Sinasabi ng Kasulatan sa atin na ang ating Amang nasa langit ay nahipo ng pinakabuod ng damdamin ng mga sugatan at ang Espiritu Santo ay nagbuhos ng kaaliwan sa lahat ng mananampalataya sa mga bansang naapektuhan.

Ang bansang Amerika ay isang mahabagin at mapagbigay na nasyon at nagpapasalamat ako sa Diyos para sa mga maraming tumugon na manalangin, nagbigay at nagtungo doon sa mga lugar na iyon para tumulong. Ngunit mayroong isang malalim na alalahanin sa aking kaluluwa ang gumugulo sa akin. Ang kalakihan ng mga kapahamakan ay hindi ko maunawaan. Lumalabas tayong parang manhid, natutulig dahil sa lahat ng ito.

Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa mga magagandang lathala ng pagpapala sa maraming lugar sa buong sanlibutan, kasama na ang Amerika. Ngunit kung hindi tayo mapapaluhod sa pamamagitan ng inalpasang kapangyarihan—kung hindi tayo magpapakumbaba pagkatapos na masaksihan ang mga kakila-kilabot na mga sakunang ito—ano ang maaring makapagpatahimik sa mga tumutuya sa Diyos? Tayo ba ay hindi na nayayanig.

Isipin ang mga bagay na ito:

  • Ang pagpapalayas sa Diyos mula sa ating lipunan sa pangalan ng politikal na katuusan
  • Ang pagbaliktad ng buong sanlibutan tungo sa pagiging makamundo at pagkamateryal
  • Iglesyang lumalago na makamundo na higit pa sa sanlibutang ito
  • Ang paglago ng karahasan at kapabayaan
  • Ang hindi na pagtanggap sa Bibliya bilang Salita ng Diyos
  • Isang araw “na kung saan ang lahat ay kayang yanigin” ay nayayanig
  • Kapag ang mga nag-iisip na mga tao sa lahat ng dako ay may pangitain na “mayroong nakikialam sa kalikasan, mayroong nangyayari na hindi kayang ipaliwanag”
  • Kapag ang lipunan ay nagpapatuloy sa gawi nito na ni wala man lamang isang “paghinto tugkol sa Diyos,” ni wala man lamang iniisip na ang Diyos ay hindi tutuyain

Kapag ang mga bagay na ito ay nangyari ay panahon na na tayo ay malapit na o lumampas na tayo sa guhit patungo sa espirituwal na kahangalan na hindi na kayang gisingin ng banal na.

Ang Diyos ay mahabagin, mapagpala at handang magpatawad. Nawa ay maipakita ni Jesus ang Kanyang pag-ibig at kahabagan sa pamamagitan ng Kanyang mga disipulo habang palapit na ang pagbabalik ng Panginoon.