Nang panahong iyon, nagkasakit ng malubha si Hezekias at nasa bingit na ng kamatayan, kaya siya ay dinalaw ni Isaias na anak ni Amoz. Sinabi niya sa hari ang utos na ito ni Yahweh, ‘Ipatawag mo ang iyong sambahayan at gawin mo na ang iyong mga huling habilin, sapagkat hindi ka na gagaling; mamamatay ka na.’ Pagkarinig nito, humarap siya sa dingding at nanalangin” (Isaias 38:1-2).
Siya ay isang hari na nakasakay sa palong ng tagumpay,
Himalang iniligtas ng Diyos
Mula sa hukbo ng Haring Senacerib
Siya ay mayaman at kinikilala
Nang dumapo ang karamdaman
Na dinala siya sa bingit ng kamatayan
Nagbabala ang propeta
“Humanda ka na sa kamatayan
Tapos na ang lahat para sa iyo.”
Ngunit iniibig ng hari ang buhay,
At humarap siya sa dingding
Tumangis, at nanalangin sa Panginoon
Para pahabain pa ang buhay.
Narinig ng Diyos at binigyan pa siya ng 15 taon
Ngunit paano mabubuhay ang tao
Sino ang nagtagumpay laban sa kamatayan?
Katulad ng marami na nakaligtas
Ang nalagay sa bingit ng kamatayan.
Hindi ba dapat na nabubuhay siya araw araw na may pasasalamat?
Ngunit ang pamamaraan ng laman ay naiiba.
Ang hari ay nagsimulang magluwalhati sa kanyang kahalagahan--
Nalulong siya sa putik ng pagkamateryalismo
Ipinarada ang kanyang kayamanan sa mga dayuhan.
Ang pangalawang mensahe ng propeta sa ipinaalam
Sa paghuhukom sa kanyang parating na salinlahi
Para sa kanyang pagmamataas at kawalan ng pasasalamat
At ilan sa ngayon ang binigyan
Ng panibagong buhay,
Na ginugol lamang ang kanilang hiram na mga taon
Na may pag-iimbot na paghabol sa mga bagay
Na mga walang kabuluhan?
Ipahahayag ng walang-hanggan
Na mas mabuti pa sanang
Para sa ilan ang namatay
Kaysa madaig ang bitag ng kamatayan.