“Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus” (Filipos 4:6-7).
Nang paulit-ulit kong binasa ang talatang ito kamakailan, ako ay tinamaan ng bagay na hindi ko pa nakikita noon pa. Ipinag-utos ni Pablo sa atin na tigilan na ang mag-alala, lumapit sa Diyos sa pananalangin at humingi ng pangangailangan, at magpasalamat sa kanya sa sagot. Ngunit wala siyang sinabi na makakakuha ng mga kasagutan! Walang sinabi si Pablo na makakatanggap ng salita ng patutunguhan, kaligtasan, mga himala, o kagalingan. Sa halip, sinabi niya nakatanggap tayo ng handog ng kapayapaan ng Diyos!
Sinasagot ng Diyos ang lahat ng ating mga kahilingan at mga pangangailangan na may kasamang kapayapaan Niya: “Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus” (t 6-7).
Sa madaling sabi, unang sinasagot ng Diyos sa bawat panalangin natin at daing ng puso ay Kanyang kapayapaan! Ang lahat ng taong mananalangin ay may isang bagay na nagkakatulad: Gaano man kabigat ang nadarama nila patungo sa kanilang lihim na silid ng panalanginan, ay lumalabas silang puspos ng Kanyang kapayapaan! Nilimitahan ng Diyos ang sarili Niya sa Kanyang sariling pamahalaan. Ito ay kinikilalang laan ng Diyos. Gumagawa siya ng bagay dito at doon, inihahanda ang puso ng mga tao at isinasaayos ang mga pagkakataon, ngunit hanggang sa Kanyang laan ay gumawa sa kasagutan sa inyong mga panalangin, sinabi Niya, “Ibibigay ko sa inyo hindi yaong iniisip ninyo na kailangan ninyo kundi yaong alam ko na kailangan ninyo—kapayapaan ng isipan at puso!”
Marami sa atin ay nakikipagbuno sa Panginoon sa pananalangin. Humihiling tayo na may pagtangis at luha; binabayo natin ang daan ng langit; inaangkin natin ang bawat pangako. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, mga linggo at mga buwan, nagsisimula tayong magtaka: “Bakit hindi ka sumasagot, Panginoon? Ano ang humahadlang sa aking mga panalangin? Ano ang nagawa ko na nakapagbigay dalamhati o hindi nakalugod sa Iyo?”
Ang katotohanan ay, sinabi na sa atin ng Diyos. “Narito ang kapayapaan ko na hindi ninyo kayang unawain! Tanggapin ninyo ito at hayaang maghari sa mga puso ninyo habang gumagawa Ako sa lahat ng bagay na makabubuti sa inyo!” Kailangang manatili tayo sa kapayapaan ng Diyos hanggang sa ang Kanyang pangako ay naisaayos na ng Espiritu Santo!
Panghawakan ang Kanyang kapayapaan at hayaang maghari ito sa inyong mga puso!