Miyerkules, Oktubre 19, 2011

HUMANDANG MAMATAY

Sa pagbuo ng bagong kasunduan, inobliga ng Diyos ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng isang sumpa na sangkapan ang lahat ng makakayang kapangyarihan at lakas upang matupad ang lahat ng kabagayan at hinihingi ng kasunduan. Kaya, nang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ng pagsumpa, “Gagawin ko ito,” ang pananampalataya natin ay tumugon ng, “Hayaan nawang mangyari ito.”

Hayaan ninyong ipakita ko sa inyo ang kahanga-hangang katotohanan mula sa bagong kasunduan. Nagmumungkahi ito na ang Panginoon ay hindi maaring makalapit ng husto sa kanyang mga tao, hindi Siya maaring lumapit sa Kanya kahit na naiisin Niya ito. Kaya, pinag-isa at itinali Niya at pinag-anyo niya tayo ng pinakamalapit sa kanya at Siya sa atin, sa pamamagitan ng kasunduang ito. Ang bagong kasunduan ay tungkol sa ating ipinangako ng ating Panginoon na maingatan ang Kanyang mga anak sa pagbagsak at upang aliwin, pasayahin at tiyakin sa atin na ang kapangyarihan at paghawak ng kasalanan ay kaya at babaliin ng Espiritu Santo na nananahan sa atin.

Ang katotohanang ito ay siyang tanging pag-asa ng mga mananampalataya na nawalan na ng pag-asa sa kanilang pakikipaglaban sa nananatiling kasalanan. Sa pamamagitan lamang ng bagong kasunduan na inilatag sa atin ay matututunan natin ang lihim ng pagkakaroon ng ganap na tagumpay laban sa kasalanan.

Kamatayan lamang ang natatanging paraan upang makalabas sa lumang kasunduan patungo sa bago. Ang pananampalatayang laman ay kailangang mamatay—hindi na kailangang paghirapan pang maniwala. Kung magkakaroon ako ng pananampalataya—tunay na pananampalataya, ang pananampalataya ni Cristo—kailangang ibigay Niya ito sa akin. Binigyan niya tayo ng sinukat na pananampalataya, gayunman kung tunay na wala akong magagawa ayon sa aking kakayanan, kung ganoon ay kasama nito ang magkaroon ng Kanyang pananampalataya. Iyan ang dahilan bakit tinawag ito ng kasulatan na, “ang pananampalataya ni Cristo.”

Ikaw ba’y sakit sa kasalanan? Tunay bang hinahangad mong mamuhay na banal, malaya mula sa pauli-ulit na pita ng laman? Kung ganoon ay humandang mamatay. Humandang yakapin ang krus. Ang lumang kasunduan ay dadalhin ka sa dulo ng iyong pag-iisip—sa kawalan. Kapag isinuko mo na ang lahat ng pag-asa na manaig sa kasalanan sa pamamagitan ng sarili mong makataong kapangyarihan at kagustuhan, kung ganoon ay handa ka nang pumasok sa maluwalhating kaharian ng kalayaan sa pamamagitan ng bagong kasunduan.