“Tandaan ninyo, sa Araw ng Paghuhukom, pananagutan ng tao ang bawat walang kabuluhang salitang sinabi niya. Pawawalang-sala ka, o parurusahan, batay sa iyong mga salita” (Mateo 12:36-37).
Mukhang iniisip natin na ang ating mga salita ay bumabagsak lamang sa mga lupa at kusang naglalaho, o hinihipan na lamang ng hangin at mawawala na lamang. Hindi ganon! Ang ating mga salita ay patuloy na buhay—hindi ito namamatay!
Maaring sabihin mo, “Ngunit sa isang kaibigan ko lamang nasabi ang tsismis na ito at ipinangako niya na hindi niya uulitin ito. Sa kanya na magtatapos ito.” Hindi ganoon ang mangyayari! Ang bawat salita na binanggit natin ay nakatala, nakasulat sa walang hanggan, at maririnig nating muli ang mga ito sa Araw ng Paghuhukom.
Naalala ko na galing ako sa isang malalim na pagkakahikayat pagkatapos na maibahagi ang isang maliit na bisyosong tsismis sa isang kaibigan. Ang aking nasabi ay may katotohanan. Ito ay tungkol sa isang usaping moral na kailangan kong harapin tungkol sa isang ministro. Ang kanyang pangalan ay nabanggit sa isang usapan at nasabi ko, “Huwag kang magtiwala sa kanya. Mayroon akong nalalaman tungkol sa kanya!”
Kahit na pinigilan ko ang bibig ko, nadama ko na ako ay nakondena. Ibinulong ng Espiritu Santo sa akin, “Tigilan mo na ngayon din! Walang sinuman ang dapat makaalam niyan. Huwag mo nang dagdagan ang sasabihin mo pa, sapagkat walang layunin ang mga ito. Kahit na totoo ito, huwag mo nang ulitin pa!”
Anuman ang nasabi ko na ay sapat nang sabihin na ito ay masama. Ngunit nabigla ako na idinetalye ko pa ang mga bagay tungkol doon! Alam ko na dapat na nanahimik na lamang ako at tunay nga, ako ay malalim na pinaramdaman ng Espiritu Santo. Kayat pagkatapos ay tinawagan ko ang aking kaibigan at sinabing, “Humihingi ako ng paumanhin, tsismis ang bagay na iyon. Wala ako sa tama. Huwag mo na sanang ulitin sa iba ito. Kahit na sa isipan ay huwag mo na sanang isipin ito.”
Ang kasalanan ko ba ay tinakpan ng dugo ni Jesus? Oo, sapagkat ganap kong tinanggap na ako ay nagkasala at hinayaan ko ang Espiritu Santo ba ipakita sa akin ang ilan sa aking mga pagmamatwid na pagmamataas na natitira sa akin. Hinayaan ko Siya na maipagpakumbaba ako at pagalingin ako! Ngayon, kapag ako ay may sasabihin laban kaninuman, sumusunod ako sa Espiritu Santo habang naririnig ko siyang sinasabi nang malakas at maliwanag, “Tumigil ka na!”