Kung nais ninyong maghari ang kapayapaan ng Diyos sa inyong buhay, kailangang iwaksi ang ilang mga bagay:
- Kailangang tigilan na ninyo kung paano tutuusin o uunawain kung paano gagawin ng Diyos ang mga bagay.
- Kailangang tigilan na ninyo ang mag-alala at magtampo: “Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay… (Filipos 4:6).
- Kailangang tigilan na ninyo ang sabihin sa Diyos kung alin ang tama para sa iyo.
- At higit sa lahat, kailangang tigilan na ninyo na ikaw ay bigo; tigilan na ninyo ang pag-iisip na hindi ninyo nalulugod ang Diyos!
Ang isa sa mga pinakamabisang bitag ni Satanas para manakawan niya ang mga Kristiyano ng kapayapaan ay ang paghimok sa kanila na kailangang magpakahirap sila sa laman para malugod ang Diyos. Ito ay pinatatalbog niya sa akin palagi!
Minsan kapag kailangan ko ang isang lugar para manalangin, pupunta ako sa aking sasakyan at magmamaneho sa isang bukod na lugar. Nagagawa kong purihin ang Panginoon at magalak sa kanyang presensiya habang nakatanaw sa berdeng kabukiran at kagubatan. Ngunit minsan sasagi sa aking isipan na wala akong ginagawa para sa Panginoon!
Panalangin ko, “Panginoon wala akong nagagampanan para sa Iyong kaharian. Wala akong ginawa kundi manalangin, kumuha ng mga mensahe sa mga sermon, at magtungo sa simbahan at mangaral. Ang buong sanlibutan ay patungo sa impiyerno, at wala akong nagagawa para sa Iyo!”
Ang ganito bang iniisip ay sumagi sa iyo? Ginagawa mo ang lahat ng kaya mo para malugod ang Panginoon, gayunman hindi ka nakadadama ng kabanalan. Bahagya ko nang madama ang kabanalan. Iyan ang katotohanan maging sa pinakamabuti kong panahon—maging ako man ay nangangaral na may basbas ng Espiritu!
Sinabi mo, “Ikaw, kapatid na David? Lagi mong nadarama na para bang wala kang nagagawa para sa Diyos?” Oo! Ang diyablo ay lumalapit at ginagawa niyang madama natin na tayo ay hindi karapat-dapat, walang nagagawa. At nawawala ang ating kapayapaan dahil bumibigay tayo sa ganitong nadarama!
Makinig sa panalangin ni Pablo para sa atin: “Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo” (Roma 15:13).
Magtiwala sa Kanyang kabutihan. Manalig sa kanyang pag-ibig at kahabagan. Huwag ninyo siyang pagbintangan ng pagiging galit o naguguluhan sa iyo o hindi ka kinakausap. Hayaang ang kanyang kapayapaan ang maghari sa inyong puso at sa inyong buhay!