“Ako’y iyong siniyasat, batid mo ang aking buhay, ang lahat kong lihim, Yahweh, ay tiyak mong nalalaman” (Awit 139:1).
Walang sinuman ang nakakaunawa sa akin
Kundi ang Diyos.
Nauunawaan niya ang kalaliman ng aking isipan.
Walang salita sa aking dila,
Ngunit alam ng Diyos ang lahat ng ito.
Ako’y Kanyang nilupi;
Ang kanyang kamay ay hawak ako.
Ang ganitong karunungan ay lubos na matayog,
Hindi ko maabot ito
Mayroong panahon
Ang kadiliman ay bumabalot sa akin,
Gayunman ay sinisiyasat Niya ang aking puso
At alam Niya ang laman nito.
Kita Niya ang mga kasalanan ko.
Ang kanya lamang karunungan
Ang nakakaalam sa akin
Sumasagot Siya
At pinalalakas ako
Sa aking kaluluwa
Kadiliman at liwanag ay magkatulad lamang para sa Kanya
Nauunawaan Niya ang aking kadiliman
At bibigyan Niya ako ng liwanag
Nauunawaan Niya ako.