Biyernes, Oktubre 14, 2011

NASA TUYONG LUPAIN

Iginiit ng Diyos na kailangang may “tuyong lupain” sa dadaanan ninyong Pulang Dagat. Sinabi Niya sa Israel, “Itapat mo sa ibabaw ng dagat ang iyong tungkod; mahahati ang tubig at matutuyo ang lalakaran mo” (Exodo 14:16). Kamangha-mangha, ginamit ng Diyos ang pangungusap na ito ng apat na ulit, sinabi sa kanyang mga tao, “Matutuyo ang lalakaran ninyo.”

Muli nating nakita ang pangungusap na ito noong ang Israel ay akmang papasok sa Canaan. Tumawid sila sa Jordan sa tuyong lupain patungo sa Lupang Ipinangako.

Sa madaling sabi, ang tuyong lupain ay isang daanan. At kung ikaw ay nandito, kung ganoon ay may patutunguhan ka. Hindi ka naliligaw o pabalik; ang tuyong lupain mo ay ang plano ng Panginoon para sa iyo. Ang gawain niya sa buhay mo, ang himala na Kanyang gagampanan. Ikaw ay patungo sa isang pagpapahayag, isang bagong tagumpay kay Crsito, patungo sa isang bagay na dakila.

Pinatunayan ito ng Kasulatan. Pansinin kung saan ang Faraon at ang kanyang hukbo ay nagapi sa labanan: sa ipinagkaloob ng Diyos na tuyong lupain. Ang tuyong lupa ang eksaktong lugar na kung saan ang diyablo ay aatake sa iyo. Nais niyang atakihin ka kung saan ka mahina. Gayunman, Dito rin sa tuyong lupaing ito tinanggal ng Panginoon ang “gulong ng karwahe” mula sa kapangyarihan ni Satanas: “Nang bumalik sa dati ang dagat, natabunan ang mga karwahe’t kabayo ng Faraon, pati ang kanyang buong hukbo at wala ni isa mang natira” (Exodo 14:28).

Sinabi ng Diyos sa atin na may kakanyahan: “Nais kong matutunan ninyo na magpatuloy sa inyong pananampalataya—hindi ayon sa pangitain o sa tinig, ngunit kung kayo ay nasa kalagitnaan ng inyong tuyot na katayuan. Nais Kong kayo ay magkaroon ng sariling tiwala na kapag hindi ninyo nadinig ang Aking tinig o hindi nakita ang kaharap—kapag kayo ay nasa tuyong lupain—kayo ay pinangungunahan Ko.”

Ipinangako ng Diyos na gagawin Niyang bukal ng sariwang tubig ang ating tuyong lupain: “Kapag inabot ng matinding uhaw ang aking bayan, na halos matuyo ang kanilang lalamunan, akong si Yahweh ang gagawa ng paraan; akong Diyos ng Israel ay hindi magpapabaya. Magkakaroon ng ilog sa tigang na burol, aagos ang masaganag tubig sa may libis; gagawin kong lawa ang disyerto, may mga batis na bubukal sa tuyong lupain” (Isaias 41:17-18).

Minamahal na banal, ikaw ba’y tigang? Sinasabi ng Diyos sa iyo, “Malapit na na makita mo ang pag-aani. Na kung saan dati ay may tuyong lupain, may buhay na bubukal sa iyong paanan. At nilikha ko ito! Matatag na manindigan at tingnan kung ano ang gagawin ko para sa iyo sa iyong tuyong lupain.”