Kapag ako may sinabing masama noong bata pa ako, hinuhugasan ng aking ina ang aking labi ng may sabon. Ngunit hindi ang labi ko ang nangangailangan ng paglilinis, ito ay ang puso ko! Nakita mo, ang dila mo ay nagsasabi lamang kung ano ang laman ng puso mo. Iyon ay ang mismong mga salita ng ating Panginoong Jesu-Cristo at sinasabi niya na ang maluwag, walang ingat, masamang pananalita ay nanggagaling lamang mula sa maruming puso.
Bilang mga mananampalataya, hindi natin pinahahalagahan kung ano ang sinasabi ng ating Panginoon tungkol sa pagpapaamo ng ating mga dila. Ibinatay niya mga bagay na ito na may kinalaman sa ating mga puso! Hindi lamang binawasan ng aking walang ingat na mga dila ang lahat ng aking pagiging espirituwal, ginawa rin nito na harapin ko ang katotohanan na ang puso ko ay madumi.
Kapag nakipagtsismisan ako, nagbiro ng malalaswa, sinagasaan ang ibang tao, nagtaas ng boses at sinigawan ang aking pamilya, kailangan tanungin ko ang sarili ko: “Ano ang maruruming mga bagay na nananatili sa akin na nakapagsasalta pa rin ako ng ganoon?”
Kailangang suriin o ang sarili ko at tanungin, “Saan nanggaling ito? Maaring mayroon pang mga bagay na hindi ko pa hinaharap o kung hindi ay hindi ko masasabi ang mga salitang iyon. Bakit patuloy akong nakikipagtsismisan? Bakit nakababanggit pa ako ng masama, walang ingat na mga salita? Anong hindi pa nasasantipikahan na bantayog ang patuloy na humahawak sa puso ko?”
Malubhang binigyan ni Jesus ng mabigat na diin ang mga bagay na ito: “Lahi ng mga ulupong! Paano kayong makapagsasabi ng mabubuting bagay gayong kayo’y masasama? Kung ano ang nag uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng bibig. Mabuti ang sinasabi ng mabuting tao, sapagkat puno ng kabutihan ang kanyang puso. Masama ang sinasabi ng masamang tao, sapagkat puno ng kasamaan ang kanyang puso” (Mateo 12:34-35). Sinasabi ni Jesus, “Kung ikaw ay walang ingat sa iyong mga dila—nakikipag-away, nagrereklamo, bulong ng bulong, satsat ng satsat—ay mayroon kang malubhang suliranin sa iyong puso! Ang puso mo ay hindi tama sa Diyos, at ito ay lubha nang malalim. Mayroong nakabaong kasamaan sa iyo, na katulad ng ahas na may lalagyan ng lason sa likod ng kanyang panga. Kapag may nakamamatay na lason ang lumalabas galing sa iyo, ito ay sapagkat ang lalagyan ay hindi pa nasisimot!”
Kapag may pagkakataon na hinahayaan ko na may maduming salita ang lumabas sa bibig ko, kailangan huminto ako at sabihin sa Panginoon, “Panginoon, maaring mayroon pang ugat ng panibugho, inggit o mahalay na pita sa aking puso. Hukayin mo ng malalim ang aking puso at bunutin mo ang mga ugat ng kapaitan, pagmamataas o kung anuman ito!” Nais ng Diyos na maalis ang kasamaan sa inyong puso, ang lalagyan ng lason na nakatago sa loob mo! Nais niyang bunutin ito at pagalingin ka ng ganap.