Biyernes, Oktubre 21, 2011

ANG TUMATAGOS NA TUDLA NG PANA NG ESPIRITU SANTO

Naniniwala ako na kailangang munang magampanan ng Diyos ang pagkilos Niya sa atin bago natin maangkin ang pangako ng tipan. Ano ang naumpisahang gawain na kung saan ang lahat ay magbabase? Sinabi ni Jeremias sa atin: “tuturuan ko silang sumunod sa akin nang buong puso upang hindi na sila tumalikod pa sa akin” (Jeremias 32:40). Ang inumpisahang gawain ng tipan ay ilagay ang Kanyang takot sa ating mga puso sa pamamagitan ng gawain ng Espiritu Santo.

Nagpapahayag dito si Jeremias ng laan ng Diyos sa bagong tipan, hindi ng luma. At maliwanag na sinabi sa atin ng Diyos kung paanong ang unang gawain ng tipan na ito ay gagampanan: “Ilalagay ko ang takot sa kanilang mga puso.” Ipinaaalam Niya sa atin na hindi natin magagawa ang banal na takot sa pamamagitan ng paghawak ng kamay o ng pagsisikap ng laman. Hindi—ang tanging paraan kung paanong ang banal na gawaing ito ay magagampanan sa atin ay kung ito ay gagawin ng Espiritu ng Diyos sa atin.

Ipinapahayag sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng talatang ito. “Gagawa Ako ng mga kamangha-manghang bagay sa inyo. Ipadadala ko ang aking sailing Espiritu na manahan sa inyo at bigyan kayo ng bagong puso. Bibigyan Niya kayo ng kapangyarihan para ipagdalamhati ang mga gawain ng laman at gagabayan Niya kayo sa ganap na kalayaan mula sa kapangyarihan ng kasalanan. Sa huli, gagawin Niya kayong sadyain at gawin ang Aking mabuting kaaliwan.

“Ngunit mayroon pang isang gawain ang Espiritu na gagampanan bago pa sa lahat ng ito. Ilalagay Niya kayo sa tunay na takot sa Diyos tungkol sa kasalanan. Itatanim Niya sa inyo ang isang malalim na takot ng Aking kabanalan, nang sa gayon ay hindi kayo tumalikod sa Aking mg utos. Kung hindi, ang inyong kasalanan ay laging maglalayo sa inyo.”

Napakasimple lamang, binabago ng Espiritu Santo ang ating pananaw sa ating kasalanan. Alam Niya na habang patuloy natin tinitingnan ng mababaw ang ating pita ng laman, ay hindi tayo kailanman makakalaya. Paano gagawin ng Espiritu Santo ito? Sa pamamagitan ng paggamit ng tumutusok na Salita ng Diyos—ang tumutusok na tudla ng pana ng banal na katotohanan.