Lunes, Oktubre 17, 2011

TINAWAG PATUNGO SA PAKIKIPAG-ISA

Isinulat ni apostol Pablo: “Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang makipag-isa sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo na ating Panginoon” (1 Corinto 1:9).

Ang nag-iisang talatang ito ay nagbukas sa atin sa isang katotohanan na makapagliligtas sa atin sa bawat bagyo ng buhay. Narito ang isang payak na katotohanan na makapaglalagay sa ating mga puso sa kapahingahan kapag ang lahat sa paligid natin ay nayayanig. Narito ang Salita ng Diyos na makapaglalayo sa atin mula sa takot na ngayon ay bumabalot sa buong sanlibutan.

Ang katotohanan ay ito: Natutunan natin ang katapatan ng Diyos sa pamamagitan ng pagtugon sa ating tawag para manatili sa pakikipag-isa kay Jesus. “Tinawag upang makipag-isa sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo na ating Panginoon” (1:9).

Hindi tayo tinawag upang magtiwala sa sarili nating karunungan. Hindi tayo tinawag upang magtiwala sa laman, o ng kalalakihan o anumang bagay na makasanlibutan. Tinawag tayo ni Jesus, “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan” (Mateo 11:28).

Si Cristo lamang ang ating kapayapaan, ang ating pinagtitiwalaan at kasiyahan ng loob. Nakaranas ako ng isang dakilang kasiyahan ng loob nang makita ko sa pamamagitan ng pananampalataya ang aking Panginoon sa kaluwalhatian—iniibig ako, tinawag ako palapit sa Kanyang matamis na presensiya, sinasabi sa akin na Siya ay sapat na. hindi ko kailangang magpalimos o mangatwiran o matakot. Habang lalo akong tumitingin kay Jesus sa lahat ng bagay, lalo kong nalalaman na Siya ay nalulugod, sapagkat kapag walang pananampalataya ay imposibleng malugod Siya.

May lungkot, marami na tunay na umiibig kay Jesus ay madalas na nasisindak sa panahon ng krisis, at sila ay nag-aalala at nagtatampo. Gumugugol sila ng panahon pilit na gumagawa ng sariling pamamaraan para makatakas o mapagtiisan ang pagsubok. Hindi nila kinakalinga ang Kanyang pagtawag na “lumapit at kumain” kasama Siya. Hindi ko tinutukoy na gumugol ng isang oras o higit pa sa bawat araw sa pananalangin, ang tinutukoy ko ay ang tumutok sa Kanya sa buong araw, “Palagi kayong manalangin” (1 Tesalonica 5;17). Ito ay simple lamang, tahimik na pakikipag-usap—na nakikipag-usap sa Kanya lamang, na lalong nagiging malapit sa Kanya, nang sa ganoon sa panahon ng krisis hindi natin kailangang magmadali sa takot patungo sa lihim na silid ng panalanginan at tumaghoy sa paghingi ng tulong na parang estranghero.

Naririnig niya ang lahat ng pagdaing, malakas, mahina, at lagi Niya tayong sasagutin ayon sa Kanyang katapatan.