Hayaan ninyong ibahagi ko ang ilang nakapagpapagaling na isipin tungkol sa pananampalataya at pag-ibig. Naniniwala ako na gumagawa ang Diyos ng mga himala sa mga kasagutan sa mga panalangin na may pananampalataya. At naniniwala ako sa lahat ng pangako sa Salita ng Diyos. Ngunit, sa pamamagitan ng maraming paghihirap at luha, natuklasan ko ang isang bagay na kahanga-hanga tungkol sa paraan ng paggawa ng Diyos. Ang susunod ninyong mababasa ay makakatulong na muli ninyong baguhin ang iyong pagtitiwala sa Panginoon at mapalaya ka sa pagkakagapos sa patuloy na tuklasin ang tungkol sa pananampalataya.
Narito ng aking konklusyon:
- Kung hindi mo maibibigay ang ganap na pananampalataya, ay ibigay mo ang iyong ganap na pag-ibig. “Ang ganap na pag-ibig ay nagtataboy sa takot.” Ang ganap na pag-ibig ay ang kapahingahan na mayroon ang Diyos para sa Kanyang mga tao. Nais Niyang mamahinga tayo sa Kanyang pag-ibig, nagtitiwala na lagi siyang darating para tulungan tayo bilang ama sa isang nagdudusang anak sa kabila ng ating kakulangan sa pananampalataya.
Tigilan mo na ang pagsusukat o pagbibigay grado sa iyong pananampalataya. At tigilan mo na kung paano tutuusin ang pananampalataya. Sinabi ng Bibliya, “Kaya’t ang tatlong ito’y nananatili: ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig” (1 Corinto 13:13). Kung ikaw ay magpapakadalubhasa sa anumang bagay, magpakadalubhasa ka sa pag-ibig—ang pananampalataya ay gumagawa sa pamamagitan ng pag-ibig.
- Kapag ang Diyos ay hindi sumasagot sa ilan nating mga panalangin, makatitiyak tayo na mayroon Siyang dakilang walang hanggang dahilan kung bakit.
Dito mauuwi ito: ang Diyos ay mayroong lahat ng kapangyarihan at kayang gawin ang anumang bagay. Walang imposible sa Kanya. Ipinangako Niyang sasagutin ang bawat panalangin sa pangalan ni Cristo, kaya’t kailangan tayong humiling na may ganap na katiyakan sa pananampalataya, na umaasa sa kasagutan. Ngunit kung iaantala ng Diyos ang sagot o pinili ang ibang paraan para sa atin, tiyak na mayroon siyang kadahilanan para sa lahat ng mga bagay na ito. At kailangan tayong manalig na anumang payagan ni Diyos sa ating mga buhay ay makakabuti para sa atin pagdating ng takdang panahon (Roma 8:28).
Ang ating Amang nasa langit ay tiyak na alam kung saan tayo patungo at ano ang ating pangangailangan. Ibibigay Niya kung ano ang mabuti, sa tamang panahon ayon sa Espiritu Santo (Mateo 7:11).
Hindi hahayaan ng Diyos na ikaw ay daigin ng iyong mga pagsubok. Maaring dumating ka sa kalagayan na sa akala mo ay wala ng pag-asa, gayunman ay malalampasan mo at mabubuhay para ipahayag ang Kanyang katapatan kung hindi mo patitigasin ang puso mo kundi ang kumapit sa Kanyang mga kamay, nananalig sa Kanyang walang hanggang pag-ibig.