Ibinigay ng Diyos ang Kanyang Anak, ibinigay ng Anak ang Kanyang buhAy, at natanggap natin ang lahat ng kapakinabangan!
Sa pamamagitan ng magkaayon na kapahintulutan, ang Ama at Anak ay gumawa ng kasunduan upang maingatan at maiimbak ang binhi ni Cristo. Ito ay upang matiyak na kaya nating makapagtiis hanggang sa wakas.
Ako’y tatawaging Ama niya’t Diyos, tagapagsanggalang Niya’t manunubos. Gagawin ko siyang panganay at hari, pinakamataas sa lahat ng hari! Ang aking pangako sa kanya’y iiral at mananatili sa aming kasunduan. Laging maghahari ang isa niyang angkan, sintatag ng langit yaong kaharian. Kung ang mga anak niya ay susuway, at ang aking utos ay di igagalang, kung aking aral ay di pakikinggan at ang kautusa’y hindi iingatan, kung gayon, daranas sila ng parusa dahil kasamaan ang ginawa nila, sila’y hahampasin sa ginawang sala. Ngunit ang pangako’t pag-ibig kay David, ay di magbabago, hindi mapapatid. Ang tipan sa kanya’y di ko sisirain, ni isang pangako’y di ko babawiin. Sa aking kabanalan, ipinangako ko, kay David ay hindi magsisinungaling. Lahi’t trono niya’y hindi magwawakas, hanggang mayro’ng araw tayong sumisikat” (Awit 89:26-36).
Ginawa ng Ama ang kasunduang pangako sa Kanyang Anak: “Akong si Yahweh ang tumawag sa iyo sa katuwiran binigyan kita ng kapangyarihan upang pairalin ang katarungan sa daigdig. Sa pamamagitan mo ay gagawa ako ng kasunduan sa lahat ng tao, at sa pamamagitan mo’y dadalhin ko ang liwanag sa lahat ng bansa” (Isaias 42:6). Sinasabi ng Diyos, “palagi kang hahawakan ng aking mga kamay at hindi ka kailanman malalayo sa aking nag-iingat na kapangyarihan. Ipinangangako ko na pananatilihin kang ligtas mula sa lahat ng panlilinlang ng diyablo.”
Ang pangakong ito ng Ama ay ginawang pakikinabangan natin sa ngayon sapagkat ang sakripisyo ng Anak sa krus ay dinala tayo sa tipan ng kasunduan. Ipinangako ng Diyos sa Kanyang Anak, “Kung aalis ka, iingatan ko ang bawat isa ng Iyong mga binhi, katulad ng pag-iingat ko sa Iyo. Hindi ko kailanman aalisin ang aking katapatan sa Iyo, maging sa Iyong mga anak.”