Lunes, Oktubre 31, 2011

PAGPAPAGALING SA DILA

Ang propetang si Isaias ay nagkaloob sa atin ng halimbawa kung paano natin mapapagaling ang ating dila.

1. Si Isaias ay lumapit sa Panginoon at nanalangin para sa isang pangitain ng kabanalan ng Diyos. “Nakita ko si Yahweh na nakaupo sa isang napakataas na trono. Ang laylayan ng kanyang kasuotan ay nakalatag sa buong templo” (Isaias 6:1).

Ang sinuman nais na mamuhay na may kaluguran para sa Panginoon ay kailangang patuloy na pumunta sa presensiya Niya hanggang makamit niya ang isang pangitain ng kabanalan ng Diyos. Ang lahat ng pagpapagaling, ang lahat ng tunay na pagpapala, lahat ng tagumpay ay nagmula sa kanyang trono. Doon natin makikita ang Diyos sa Kanyang kabanalan!

2. Sa banal na presensiya ng Diyos si Isaias ay ganap na nahikayat sa pagkakaroon ng maduming bibig. “Sinabi ko, ‘Kawawa ako sapagkat ako ay isang makasalanan at mula sa isang lahing makasalanan. Mapapahamak ako sapagkat nakita ko ang Hari, si Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat” (6:5).

Bakit dumaing si Isaias, “Ako ay isang tao na may maduming labi?” Ito ay sapagkat nakita niya ang Hari ng Kaluwalhatian! Ang ating mga kasalanan ay naging malalim na pagkakasala kapag tayo ay nasa presensiya ng Diyos. Ang liwanag ng Kanyang banal na pagkalinga ay nagpapahayag ng lahat na hindi katulad Niya!

3. Hinayaan ni Isaias ang Panginoon na hipuin siya at linisin siya sa pamamagitan ng Kanyang banal na baga. “Pagkatapos, may isang seraping sumipit ng baga mula sa altar, at lumipad patungo sa akin. Idinampi niya ang baga sa aking mga labi, at sinabi: ‘Ngayong naidampi ko na at nilinis na ang iyong mga kasalanan” (6:6-7).

Ang Salita ng Diyos ay isang buhay na baga at ang Espiritu Santo ang apoy nito! Sa mga sandaling ito ikaw ay hinipo ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng mensaheng ito at nais ng Diyos na ilagay ang kanyang baga sa iyong labi at santipikahin ito. Magagawa niya ito para sa iyo kung hahayaan mong ang Salita Niya ay mahikayat ka! Siya lamang ang makagagawa nito. Ang bahagi mo ay kailangan mo lamang magkumpisal, katulad ng ginawa ni Isaias, “ako ay isang makasalan!”

Hayaan mong ang mga salitang ito ay pumasok ng tuwid sa iyong puso at linisin ka ng baga nito. Magkumpisal, “Oo, ito ako Panginoon! Hindi ko hahayaan ang salitang ito na lumampas sa akin! Purgahin mo ang aking mga labi at ang aking dila. Linisin mo ang aking mga labi at ang aking puso!”