Huwebes, Agosto 4, 2011

ANG BAWAT SALITA AT PANGAKO AY NATUPAD

Si Jose ay nasa pinakamadilim nyang sandali—malungkot, nalulumbay, halos isuko na ang kanyang mga pangarap, tinatanong ang kalagayan niya sa Diyos. Kaginsa-ginsa, ang tawag ay nanggaling mula sa isang bantay ng hari: “Jose! Linisin mo ang sarili mo—tinatawag ka ng Faraon!”
Sa sandaling iyon, naniniwala ako na ang Espiritu ng Diyos ay makapangyarihang bumaba sa kanya at ang kanyang puso ay sabik na napukaw. Malapit na niyang maunawaan ang tungkol sa lahat!

Habang nag-aahit siya at ginugupitan ang kanyang buhok maaring iniisip niya, “Ito na ang simula ng pangako ng Diyos sa kanya. Ngayon alam ko narinig ko mula sa kanya! Ang diyablo ay hindi namayani at ang buhay ko ay hindi nasayang. Ang Diyos ang nagdadala sa lahat sa loob ng mga panahong iyon!”

Sa loob ng ilang sandali, si Jose ay nakatayo sa harapan ng Faraon, nakikinig sa kanyang panaginip. Isiniwalat ni Jose ang padating na taggutom at sinabi sa Faraon na kailangang maghanda at mag-imbak ng binhi: “Ang mabuti po'y pumili kayo ng taong matalino at may kakayahan upang siyang mamahala sa Egipto” (tingnan ang Genesis 41).

Tumingin sa paligid ang Faraon at pagakatapos ay humarap kay Jose: “Ikaw! Jose! Itinatalaga kita bilang pangalawang namumuno. Ako lamang ang may mas higit na kapangyarihan sa iyo sa buong kaharian. Ikaw ang mangangasiwa sa lahat ng ito!”

Gaano kabilis pagbabago ng mga bagay! Dumating ang araw na nakatayo si Jose sa harap ng kanyang mga kapatid at nasabing: “Masama nga ang inyong ginawa sa akin, subalit ipinahintulot iyon ng Diyos para sa kabutihan, at dahil doo'y naligtas ang marami ngayon” (Genesis 50:20).

“Pinauna ako rito ng Diyos upang huwag malipol ang ating lahi. Kaya, hindi kayo kundi ang Diyos ang nagpadala sa akin dito. Ginawa niya akong tagapayo ng Faraon, tagapangasiwa ng kanyang sambahayan at tagapamahala ng buong Egipto" (Genesis 45:7-8).

Minamahal kong mga banal, malapit na na mauunawaan ninyo ang inyong pangkasalukuyang mga nag-aapoy na mga pagsubok. Dadalhin kayo ng Diyos sa pangako na ibinigay niya sa inyo at pagkatapos ay maiintindihan na ninyo ang lahat. Makikita ninyo na hindi niya kayo pinabayaan.

Kailangang dalhin niya kayo sa ganitong paraan, sapagkat kayo ay sinasanay niya, inihahanda, tinuturuan na magtiwala at manalig sa kanya para sa lahat ng bagay. Pinagplanuhan niya ang panahon para sa iyo para magamit—at ang sandaling iyon ay malapit na sa maganap!