Biyernes, Agosto 26, 2011

MAY GANAP NA KARAPATANG LUMAPIT

Sa bawat ika-apat na taon, noong Enero, ang Amerika ay naghihirang ng isang pangulo sa tinatawag na “pinakamakapangyarihang tanggapan sa buong daigdig.” Ang kanyang lagda ay batas. Pinamumunuan niya ang pinakamakapangyarihang hukbo. At maari niyang pindutin ang isang buton at puksain ang buong daigdig. Ngunit ang kapangyarihang hawak niya ay hindi maihahambing sa kapangyarihang ibinigay ni Jesus sa iyo at sa akin!

Nakita mo, mayroon tayong ganap na karapatang lumapit sa pinaka presensya ng buhay na Diyos—at para din sa kanya na lumapit sa atin! “Kaya nga, mga kapatid, tayo’y malaya nang makapasok sa Dakong Kabanal-banalan dahil sa kamatayan ni Jesus. Binuksan niya sa atin ang isang bagong buhay… Kayat lumapit tayo sa Diyos nang may tapat na kalooban at matibay na pananalig sa kanya” (Hebreo 10:19-22).

Ang karapatang lumapit ay naganap lamang nang si Jesus ay napako sa krus, namatay at muling nabuhay. Ito ay naganap nang ang belo sa templo ay nahati sa dalawa. Nang mangyari iyon, nangangahulugan ito na ang tao ay maaring pumasok at ang Diyos ay maaring lumabas—na haharapin niya tayo!

Ang salitang matapang sa talatang ito ay nangangahulugan na “bukas, walang pagkukunwaring pagkakahayag.” Minamahal, ang “pagkahayag” na iyan ay para sa kapakanan ng diyablo! Nangangahulugan ito na maari nating sabihin sa bawat diyablo sa impiyerno, “May karapatan ako sa pamamagitan ng dugo ni Jesu Cristo na maglakad sa presensiya ng Diyos at makipag-usap sa kanya—at siya sa akin!”

Naniniwala ka ba na nasa iyo ang karapatang ito—na ang Diyos ay handa na lumabas at harapin ka? Lumapit tayo sa kanya na may puso na puspos ng katiyakan ng pananampalataya! Hindi tayo lumalapit sa pamamagitan ng dugo ng ibon o kambing o toro, kundi sa pamamagitan ng dugo ng ating Panginoong Jesus. “Hindi dugo ng mga kambing at bisirong baka ang kanyang dalang handog, kundi ang sariling dugo, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan natin. Ang dugo ng mga kambing at mga toro at abo ng dumalagang baka ay iwiniwisik sa mga taong itinuturing na marumi. Sa gayon, sila’y nagiging malinis ayon sa Kautusan. Ang kanyang dugo ang lumilinis sa ating puso’t isip upang talikdan na natin ang mga gawang walang kabuluhan at paglingkuran ang Diyos na buhay” (Hebreo 9:12-14).

Walang nakaaaliw sa puso ng Diyos nang higit pa sa kanyang mga anak na matapang na lumalapit, na walang katakutan. Nais niya tayong lumapit, sinasabing, “Sakali mang tayo’t usigin niyon. Sapagkat ang Diyos ay higit sa ating budhi at alam niya lahat ng bagay” (tingnan ang 1 Juan 3:20).