Martes, Agosto 23, 2011

ANG DAANG PALABAS

“Ang landas mong dinaraana’y malawak na karagatan, ang daan mong tinatahak ay dagat na kalawakan; ngunit walang makakita ng bakas mong iniwan” (Awit 77:19).

Nangako si Yahweh
​Na gagawa ng paraan upang makatakas
Mula sa tukso—
​Isang daang patungo sa karagatan,
Isang landas patungo sa malalim na karagatan
Dumaing ako
At ang aking espiritu ay dinaig
Isang daan na tatakasan?
Patungo sa karagatan?
​ Malalim at malawak na karagatan?
Kinausap ko ang puso ko
​ At masipag na nagsaliksik.
Napalilibutan ako ng malalim na karagatan;
​ Lumangoy ako sa karagatan ng pagsubok.
Inihagis ba ako ng Panginoon?
​​ Hindi na ba niya ako pinapaboran?
Ang kanya bang habag ay tuluyan ng nawala?
​​ Nalimutan na ba ng Diyos na magpakita ng kagandahang-loob?
Sa kanyang poot pinagsarhan na ba niya ako
​​ Sa karagatan ng kalituhan?
At naalala ko,
​​ Pinangunahan niya ang kanyang mga tao na parang pulutong
Sa pamamagitan ng mga kamay ni Moses
​​ Patungo sa malawak na karagatan
Nakita ka ng karagatan, O Diyos
​​ At sila’y nangamba
Ang kalaliman. . . ay naligalig
​​ Sila’y sumunod
At ang dagat ay nahati
​​ Ako rin ay lalakad sa pananampalataya
Patungo sa malawak na karagatan
​​ At kapag hindi ko narinig ang mga yabag mo sa aking likuran,
Maglalakad ako.
​​ Aking tatandaan
Kung paano niya hinati ang karagatan
​​ At . . . pinatayo niya ang karagatan na isang bunton
Daraanan ko ito
​ ​Kasama sila.