Ang mga salita ni Jesus ay sumagi sa aking kaluluwa: “Kaya’t huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin, iinumin, o daramitin. Sapagkat ang mga bagay na ito ang kinahuhumalingan ng mga taong wala pang pananalig sa Diyos. Alam ng inyong Amang nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito” (Mateo 6:31-32).
Nagbabala si Jesus tungkol sa hilig ng makasalanan na mabagabag. Sinabi niya sa atin na ang pagkabalisa – tungkol sa ating mga trabaho, sa ating pamilya, sa ating kinabukasan, sa ating pananatili – ay pamamaraan ng makasalanan. Ito ay ang saloobin ng mga walang Amang nasa langit. Hindi nila kilala ang Diyos sa paraan na nais niya na makilala siya: isang mapangalaga, nagbibigay, nagmamahal na Amang nasa langit. Sa lahat ng naniniwala, hindi sapat na makilala lamang ang Diyos bilang isang Pinakamakapangyarihan, ang Lumikha, ang Panginoon ng lahat. Nais niya ring makilala natin siya bilang Amang nasa langit. “Alam ng inyong Amang nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito” (talata 32).
“Kaya, huwag ninyong ikabahala ang para sa araw ng bukas” (talata 34). Sa pamamagitan ng simpleng mga salitang ito, iniutos ni Jesus sa atin: “Huwag isipin, sa isang pagkabalisa sa kung ano ang maaring mangyari o hindi mangyayari sa kinabukasan. Hindi mo maaring baguhin ang anuman. At hindi ka makatutulong sa anuman sa pamamagitan ng pagkabalisa. Kapag nabalisa ka, ginagawa mo lamang kung ano ang ginagawa ng makasalanan.
At pagkatapos ay sinabi ni Jesus, “Ngunit pagsumikapan ninyo nang higit sa lahat ang pagharian kayo ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ipagkakaloob niya ang lahat nang kailangan ninyo” (talata 33). Sa ibang salita, kailangang magpatuloy tayong umiibig kay Jesus. Kailangang magpatuloy tayo, ibigay ang lahat ng ating dalahin sa kanya. At tayo ay mamahinga sa kanyang katapatan. Ang ating Amang nasa langit ay titiyaking tayo ay matutustusan sa lahat ng ating mga pangangailangan sa buhay.
Iniisip ko kung ang mga anghel ay nalilito sa lahat ng pagkabalisa at pagkabagabag noong mga umaangkin na nagtitiwala sa Panginoon. Doon sa mga makalangit na nilikha, maaring ito ay nakaiinsulto sa Diyos na tayo ay mabalisa na para bang wala tayong Amang mapagmahal na nasa langit. Isang nakagugulong katanungan na maaring tanungin ng mga anghel sa kanilang sarili:
“Hindi ba sila naniniwala sa Isa na umiibig sa kanila? Hindi ba niya sinabi na alam niya ang lahat ng pangangailangan nila? Hindi ba nila alam na ipinadala tayo ng Ama para siyang mangalaga sa kanila sa panahon ng panganib? Hindi ba sila naniniwala na siya na nagpapakain sa mga ibon , sa mga isda, sa buong kaharian ng mga hayop ay magpapakain at magdadamit sa kanila? Paano pa silang mababalisa kung alam nilang nasa Diyos ang lahat ng kapangyarihan, lahat ng kayamanan, at kayang ibigay ang pangangailangan sa lahat ng nilikha? Paano pa nilang maakusahan ang kanilang Amang nasa langit ng pagpapabaya, na para bang hindi siya tapat sa kanyang Salita?
Umaawit ang mga ibon, habang tayo ay nagrereklamo at nagpapahayag ng takot at pagkabalisa. Ang mga bulaklak ng bukid ay mataas na nakatayo sa kanilang kaluwalhatian, habang tayo ay nalalanta at yumuyuko sa harap ng mahinang hangin ng masamang kapalaran. Ang sumunod na tula ay inilagay itong maiksi:
Sinumbatan sila ng mga ibon
sa pamamagitan ng kanilang masasayang awitin;
ang mga bulaklak ay nagturo sa kanya na ang mabalisa ay mali.
Isipin kung gaano siya nangangalaga,
o minamahal na anak, para sa ‘yo.”
”Huwag matakot,” bulong ng bulaklak; “mula noon siya ay inihanay.
ang margarita. Paano pa silang matatakot?”
At huwag maguluhan, hanggang ang gulo ay guluhin ka.
Dadalawahin mo lang ang gulo, at guguluhin din ang iba.
Tiyak na may Ama kang nasa langit. Magtiwala sa kanya!