Huwebes, Mayo 14, 2009

NAWA’Y MANGIBABAW ANG KAPAYAPAAN NG DIYOS SA IYONG PUSO

Nililiwanag ng Espiritu sa akin ang lahat ng aking dalangin ay walang halaga maliban kung ito ay ipinanalangin ng may pananampalataya. Maari akong tumangis, mag-ayuno, mamagitan, magdusa at magpakasakit sa pananalangin, gayunman ay wala itong halaga sa Panginoon – maliban kung ito ay ginawa ko na may pananampalatayang parang isang bata.

 

Ang Diyos ay hindi kikilos para sa atin kung walang pananampalataya sa kanya. Sinabi ng Salita, “Huwag umasang tatanggap ng anuman  mula sa Panginoon ang taong pabagu-bago ng isip at di alam kung ano talaga ang ibig” (Santiago 1:7-8).

 

Ipinag-utos ng Panginoon sa atin na magtiwala sa kanya. Gayunman madalas ay lubhang maliit lamang ang pagtitiwala natin sa kanya, lubhang maliit lamang pananampalataya natin sa kanyang kagustuhan at nais na tugunin ang daing ng ating puso. Kapag tayo ay nasa langit na, mamamangha tayo na matuklasan ang lahat ng pagpapala, kapayapayaan at kapangyarihan na mayroon tayong pinanghahawakan ngunit hindi natin ginamit sapagkat mahina ang ating pananampalataya.

 

LUBOS AKONG  INUGA NG ESPIRITU SANTO NA HAMUNIN KAYO NA PALAKASIN ANG INYONG PANANAMPALATAYA. Hingin sa Panginoon na patawarin kayo sa kawalan ng paniniwala at bahain ang inyong kaluluwa ng pagtitiwala sa kanyang kagustuhan na higit pang tugunin ang inyong mga tapat na panalangin.

 

Nais ba ninyo ng paglago sa pananampalataya? Kapag kayo ay nanalanging muli gamitin ang mga sumusunod na Kasulatan para mangatuwiran sa Panginoon. Hindi niya itatanggi ang kanyang sariling Salita. Panghawakan ang mga ito:

 

·         Awit 62:8

·         Awit 91:4

·         Awit 56:3

·         Kawikaan 30:5

·         Jeremias 29:10-14

 

Kumapit sa pananampalataya! Tutugunin niya kayo, at sa lalong madaling panahon.