Ang sinumang nagbabasa nito ay nangangailangan ng hipo mula kay Jesus. Nang mangaral ang Panginoon dito sa sanlibutan, siya ay nagpagaling at nagpanumbalik ng mga may karamdaman sa pamamagitan lamang ng paghipo sa kanila. Nang hinipo ni Jesus ang ina ni Pedro, “nawala ang lagnat niya.” Hinipo niya ang kabaong ng isang patay na bata, at ang batang lalaki ay nabuhay. Hinipo niya ang mga mata ng mga taong bulag, at sila ay nakakita. Hinipo niya ang tainga ng isang bingi, ay karaka’y siya ay nakarinig. Dinala ng mga magulang ang kanilang mga anak kay Jesus “para hipuin niya.” Ang banayad na paghipo niya ay napagbago ang lahat. Maraming nagdala ng kanilang mga may sakit at mahihina, at si Jesus ay nagbigay ng panahon para maabot at mahipo silang lahat, pagalingin sila.
Kung tunay mong kilala ang Panginoon ng malapitan, nalaman mo na at nadama ang hipo ng kamay ni Jesus. Sa panahon ng kalungkutan, panahon ng kawalan ng pag-asa, sa panahon ng kaltuhan, panahon ng makirot at walang kasiguruhan, tumangis ka sa kaibuturuan ng iyong espiritu: “Panginoong Jesus, kailangang ko ang hipo mo. Kailangan kong madama ang iyong presensiya. Halika, Jesus, at hipuin mo ang nauuhaw kong espiritu.”
Ang ilan ay nangangailangan ng hipo ni Jesus sa kanilang kaisipan. Dumating si Satanas dala ang kanyang makasalanang hukbo para manggulo at pahirapan ang mga kaisipan ng mga isiping makasalanan – hindi naniniwalang kaisipan, hindi makaCristong pag-iisip, takot na kaisipan, kaisipang walang karapatan, kaisipang hindi nakalulugod sa Diyos. Ang mga tapat na mananampalataya ay magsasabi sa iyo na naranasan nila ang ganitong paglusob sa kanilang mga kaisipan. Si Satanas ay tahasang wawasakin ang ating pananampalataya at pag-asa sa Panginoon.
Sa Kasulatan, ang hipo ni Jesus ay dumating bilang kasagutan sa isang pagtangis. Walang pagpapatunay na kanyang binalewala o tinanggihan ang ganitong tangis. At hindi siya tatalikod sa iyong pagtangis, kundi may habag na tutugon sa iyong pangangailangan. Sa Mateo 8 nabasa nating ang isang may ketong na lumapit sa kanya, nagsasabi na, “Panginoon kung loloobin mo, maari mo akong pagalingin.” Iniabot ni Jesus ang kanyang kamay, sinasabing, “Gagawin ko; gagaling ka. At karaka’y nalinis ang kanyang ketong.”
Humanap ng isang lugar para kay Jesus ngayon, at sabihin sa kanya ang sinabi ng may ketong sa kanya: “Panginoon, kung loloobin mo, linisin mo ako.” At umasa na hihipuin ka niya at pagagalingin ka, sa isipan, sa katawan, sa espiritu. Ang kamay ng Panginoon ay iniaabot sa iyo, ngunit hinihintay niya ang tangis ng pangangailangan, tangis ng paghingi ng tulong na siya ring tangis ng umaasa.
“Hindi mabuti ang ginawang pakikitungo sa amin ng mga Egipcio. Pinahirapn nila kami at inalipin. Kaya, dumulog kami sa inyo Yahweh, Diyos ng aming mga ninuno. At dininig ninyo kami. Nakita ninyo ang aming pagdurusa, ang kahirapan at kaapihang dinaranas. Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, ng mga kakilakilabot na gawa at mga kababalaghan, inalis ninyo kami sa Egipto” (Deuteronomo 26:6-9).