MAGTIWALA SA DIYOS PARA SA IYONG KALIGTASAN!
Pinakawalan ng Diyos ang kanyang nakagugulat na kapangyarihan ng pagliligtas para doon sa mga lubusang nagtitiwala sa kanya. Doon sa mga “gumugiray” sa pananampalataya, nababalisa at nababalisa, ay hindi maililigtas sa bitag ni Satanas.
Ang sagot ay simple lamang, gayunman ang marami sa atin ay hindi maintindihan ito. Patuloy tayong namumuhay sa kaguluhan at takot, habang nasa ating mga daliri ay ang lahat ng mahahalagang pangako na kailangan para makaligtas tayo mula sa kagipitan sa buhay na ito. Kinamumuhian ng Diyos ang kawalan natin ng paniniwala, higit na dahilan nito ay sapagkat itinatali nito ang kanyang mga kamay at pinipigilan tayong matamasa ang kaluwalhatian niyang itinadhana niya.
HINDI TAYO MAKAPAGPAPATULOY DITO SA NUWEBA YORK NA WALANG GANAP NA PAGTITIWALA SA PANGINOON. Ang mga suliranin ay lubhang nakapananaig. Milyong mga tao ay namumuhay ng nasa siksikang kalagayan. Ang lunsod ay nasa gitna ng karahasan, bawal na droga, pagpatay, bagong sakit na TB na dala ng hangin, ang salot na sakit na AIDS. Ang ating mga manggagawa na nangangaral araw-araw sa mga may sakit na nakatira sa kalye at walang mga tahanan na nagdadala ng sakit ay hindi natatakot. Nagtitiwala sila na pangangalagaan sila ng Panginoon at palakasin sila sa ganitong gawain.
Nagpapasalamat ako sa Diyos hinayaan kaming maging daan sa pagtataguyod ng isang lumalagong iglesya sa Broadway, na may libu-libong mga buhay na hinihipo. Ngunit hindi kami nagpunta sa Nuweba York para lamang magtatag ng iglesya. Nagpunta kami para gawin ang gagawin din ni Jesus: ang magministeryo sa mahihirap, sa nagugutom, sa mga walang tahanan, sa mga lulong sa droga, ang pinakamalala sa mga makasalanan.
Nagagalak kami na hinayaan kami ng Diyos na madala ang nakatutubos na mabuting balita ni Cristo sa marami na minsan ay ipinalagay na wala ng pag-asa kung ihahalintulad sa makataong kalagayan. Isang maliit na hukbo ay nailigtas na mula sa kalye, at araw-araw marami pa ang naililigtas.
PINATUTUNAYAN NG DIYOS ANG KANYANG KAPANGYARIHAN SA LAHAT NG NAKAPUPUKSANG PUWERSA NG IMPIYERNO. At ipakikita niya ang kanyang kapangyarihan para sa inyo, rin, sa pagsubok na iyong hinaharap. Amen!