Huwebes, Mayo 7, 2009

NAGPAPASALAMAT KAMI SA MARAMI’T IBA-IBANG KAHABAGAN AT PAGMAMAHAL NG DIYOS

Ako’y dinala ng Espiritu Santo na sumulat sa inyo tungkol sa pagbubukas ng Diyos sa mga nakasarang pinto. Mayroon nagbabasa nito ay makapaghahambing agad dito, sapagkat humaharap ka sa isa o higit pang  nakasarang mga pintuan. Nariyan, sa harap mismo ng iyong mukha, pintuang mistulang laging nakasara. Maaring ito ay malubhang suliranin sa pananalapi, at nanalangin ka na sana’y may pintuan ng oportunidad na bubukas. Gayunman, anumang subukan mo ay bigo; ang pintuan ay ayaw bumukas.

 

Hindi ko alam kung anong pintuan para sa iyo ang ayaw bumukas, ngunit sa nakararami ang parehong pintuan at bintana ng langit ay nakasara. Ang langit ay mistulang tanso at mistulang di mapapasok. Ang pintuang ito na tinutukoy ko ay ilang paksa, ilang kalalagayan, ilang pangangailangan na labis mong ipinanalangin. Maaring ito ay isang kagipitan na himala lamang ang magiging kalutasan. At hindi ka pa rin nakakatanggap ng kasagutan sa iyong patuloy na pananalangin at kahilingan sa Panginoon.

 

Sa Pahayag, tinukoy ni Cristo ang sarili niya bilang siya na MAY HAWAK NG SUSI NI DAVID, WALANG MAKAPAGSASARA NG ANUMANG BUKSAN NIYA (3:7). Ito ay nakapaloob sa liham na ipinadala niya sa mga mananampalataya sa lumang Piladelpia, isang iglesya na pinuri ng Panginoon sa paghawak nito sa kanyang salita ng pasensiya at di kailanman itinanggi ang kanyang pangalan. Sa madaling sabi, sa pinakamatindi nilang pagsubok, ang mga taong ito ay nanindigan ng tapat sa Salita ng Diyos. Hindi nila inakusahan ang Panginoon ng pagpapabaya sa kanila o nagbingibingihan sa kanilang mga daing.

 

Katunayan, si Satanas ay dumating sa kanila na puno ng kasinungalingan. Ang kanyang mga kampon at kapangyarihan ng kadiliman, sinungaling na espiritu ay bumuhos ng dumi ng impiyerno, sinabi na isinara na ng Diyos ang lahat ng pintuan, na siya ay hindi karapatdapat sa pagsamba at pananampalataya. Ngunit ang mga mananampalatayang ito, na siyang sinabi ni Jesus na mahina, ay patuloy na nagtitiwala, matiyagang naghihintay sa Diyos na buksan ang pintuan. Hawak niya ang bawat susi sa bawat pintuang nakasara – at siya lamang ang nagtatalaga sa harap natin para buksan ang pintuan.

 

Narito kung ano ang ipinangako ng Panginoon sa kanila at ito ay pangako rin para sa atin:

 

“Sapagkat tinupad mo ang aking utos na magtiyaga, iingatan naman kita pagdating ng panahon ng pagsubok sa lahat ng tao sa buong sanlibutan” (3:10).

 

Ang oras na ito ng tukso ay nasa atin ngayon. Pinanghahawakan nito ang mga di kapani-paniwalang pagsubok ng pananampalataya na labis na dakila at labis na nag-aapoy at marami ay mahuhulog sa kawalan ng paniniwala. Katunayan, isang matinding pagbagsak mula sa matiyagang pananampalataya ay nasa sanlibutan ngayon. Ngunit ikaw – sapagkat patuloy kang nagtitiwala sa kanyang mga pangako, at handang mamatay sa pananampalataya kahit na hindi mo nakita na natupad ang mga pangako – ikaw ay ilalayo mula dito sa pangmalawakang pansalibutang tukso ng kawalan ng pananampalataya. Nadinig ng Diyos ang iyong mga daing, at alam niya ang tamang sandali, ang tamang oras, para buksan ang lahat ng pintuan. Kaya, huwag susuko. Huwag magdududa. Manindigan sa kanyang mga pangako. Hindi ka niya bibiguin