Isang Kristiyanong babae ang lumapit sa akin kamakailan na mukhang emosyonal at tinanong ako kung narinig ko ang pinakahuling balita. Ito ay tungkol sa kaguluhan sa Pakistan. “Maniniwala ka ba kung ano ang nangyayari?” Itinanong niya. “Bawat araw ay masamang balita. Ang Pakistan ay may kakayahang nuklear. Maaring mangibabaw ang mga terorista isang araw at ilang wala sa pag-iisip na pinuno ay makapaglunsad sa atin sa isang nuckear na digmaan.” Iiling-iling , sinabi niya na, “Talagang natatakot ako. Ang mga bagay ay wala nang kontrol.”
Sa ngayon, ang mga tao natatakot sa mga nangyayari sa sanlibutan. Nakikita natin na nangyayari na ang babala ni Jesus, na isang araw ay darating na kung saan ang mga puso ng tao ay babagsak sa takot habang nasasaksihan nila ang mga bagay na dumarating sa sanlibutan.
Yaong mga nakatatanggap ng aking mga buwanang mensahe ay alam na sa mga nagdaang mga taon ako ay nagbigay ng mga babala tungkol sa padating na kaguluhan. Nagbabala ako na ang pagbagsak ng kaguluhan ay darating at mangyayari. Gayunman ito ay ipinangaral ko na may luha.
Ngayon hayaang ninyong bigyan ko kayo ng isang maliwanag na salita mula sa puso ng Diyos, isang salita ng pagpapalakas-loob. Kahit na may mga nakatatakot na mga balita, nasa pangangalaga pa rin ng Diyos ang lahat.
Narito ang Salita na kailangang panghawakan nating mga mananampalataya habang rumaragasa ang bagyo sa paligid natin, salita na ibinigay sa atin ni Jesus: “Huwag kayong mabalisa, huwag kayong matakot” (Juan 14:27). Ito ang panahon ng kaguluhan. Ngunit sa mga ganitong panahon ang Salita ng Diyos ang ating nagiging lakas at pag-asa.
- “Ikaw, O Yahweh, ang tagapagatanggol ng api-apihan sa gitna ng gulo at mga panganib ay kutang matibay, lubos ang tiwala ng kumikilala sa iyong pangalan, sapagkat wala pang dumulog sa iyo na iyong tinanggihan” (Awit 9:9-10).
- “Iingatan ako kapag may bagabag, sa banal na templo’y iingatang ligtas, itataas niya sa batong matatag” (Awit 27:5).
Naniniwala ako na ang mas nakatatakot, na magulong panahon ay padating pa lamang. At wala akong nakikita kundi patuloy na pagsidhi ng kawalan ng pag-asa para doon sa mga wala sa mga pang-araw-araw na Salita ng Diyos at nanalangin at nakikipag-usap sa Panginoon. Ang Salita ang nagpapaangat sa ating espiritu at namumunga ng pananalig. Sanayin ninyo ngayon ang inyong mga sarili na buksan ang Bibliya sa umaga at simulan ang araw ninyo na pinalalakas ang loob ninyo sa pamamagitan ng kanyang mga mahahalagang pangako. At makipag-usap sa Panginoon, habang inihahanda ninyo ang inyong sarili para sa araw na iyon. Hilingin sa Espiritu Santo na palakasin ang inyong pananalig at pag-asa.
Mayroon sa Kasulatan na inuulit-ulit ko ng maraming beses araw-araw. Hinihikayat ko rin kayo na ito ay angkinin at manalig dito: “Ipagtiwala ninyo sa kanya ang inyong mga kabalisahan sapagkat siya ang kumukupkop sa inyo” (1 Pedro 5:7).