Habang aking inihahanda ang pagsusulat sa mensaheng ito, ang Espiritu Santo ay maliwanag na nangusap sa akin: “Turuan ang mga tao. Pagpalain sila sa pamamagitan ng aking Salita.” Panginoon, nanaisin ko, ngunit ano ang nais mong sabihin ko? Kailangang ilagay mo sa aking espiritu ang tamang salita para sa mga panahong ito.
Narito kung ano ang natanggap ko mula sa Panginoon. Inaasahan ko na matanggap ninyo ito at tunay na matuto. Marahil ikaw yaong isa na inihanda ng Diyos na makatanggap ng salita ng pagpapalakas loob sa mga sandaling ito:
- Nais ng Diyos na maniwala ka sa mga ipinahayag niya sa iyo, lalo na tungkol sa pagpapagaling at paggabay. (Tingnan Juan 4:48-50.)
Sinabi ni Jesus sa isang matuwid na lalaki na ang kanyang anak ay gagaling. “Ang lalaki ay naniwala sa salita na sinabi ni Jesus sa kanya at nagpatuloy sa kanyang patutunguhan.” Ang lalaking ito ay naniwala sa salita ng Panginoon, at ang kanyang anak ay gumaling sa sandali ring iyon.
- Ang Panginoon ay sasagutin ang hinaing ng iyong puso ayon sa kanyang maraming mapagmahal na kahabagan. Ang kanyang tiyempo ay laging eksakto, kaya maghintay. (Tingnan ang Awit 69:13-14, 16-18, 32-33).
Sa talatang ito kailangang ipagpalit mo ang “maladimonyong kapangyarihan” para sa “kaaway.” Ang tunay mong kaaway ay si Satanas, na namumuhi sa iyong patuloy na paglalakad ng malapit sa Panginoon.
- Narito ang natatanging salita para sa iyo lamang. Oo, maraming mga tao ay makatatanggap ng katulad na salita sa mensahe kong ito dito, ngunit ang Espiritu Santo ay may sariling paraan ng pagbibigay ng Salita ng Diyos sa maraming naiibang pamamaraan sa maraming mananampalataya.
Basahin ang Awit 145. Bago mo basahin ito, manalangin na mangusap ang Espiritu Santo sa iyo sa isa o dalawang talata nito. Alam ko na nangusap ang Panginoon nito sa aking puso, na kayo ay matututo sa Awit 145.
(ang talata 14 ay isa na itinuro sa akin para sa iyo, ngunit ang Espiritu ay maaring may ituro pang iba para sa iyo.)
Nawa’y bigyan kayo ng Diyos ng Espiritu Santo para makipaglaban, para maiwaksi ang diyablo at maihagis itong palayo.