Nanalangin ako ng masigasig para dito sa mga talatang ito, at habang nananalangin tungkol sa kung ano ang ipasusulat sa akin Panginoon para dito, ibinulong sa akin ng Espiritu Santo ng maliwanag: “Palakasin ang loob ng mga tao ng Diyos. Sabihin sa kanila kung gaano sila kamahal ng Panginoon at kung gaano niya kinalulugdan ang kanyang mga anak.”
Naniniwala ako na ito ay mahalagang salita para sa maraming nagbabasa ng mensaheng ito. Kailangang marinig mo ng malalim, sa mga sandaling ito, na ang Panginoon ay iingatan ka, at sa pangakasalukuyan mong sandali ng pagsubok ay nalulugod siya sa iyo. Narito ang nakasulat na naniniwala ako na kailangan mong matanggap bilang pansariling salita na galing sa kanya ngayon:
“Aking anak, ang saway ni Yahweh ay huwag mamaliitin, kung ikaw’y itinutuwid, huwag mababagot mandin pagkat lahat ng mahal niya’y itinutumpak ng daan, at ang anak ng minamahal, sinasaway ng magulang” (Kawikaan 3:11-12).
Kahit na ang iyong pinagdadaanan sa ngayon ay may pagmamahahal na pagdisiplina, tandaan ito ay tiyak na hudyat na mahal ka ng iyong Ama at siya ay nalulugod sa iyo. Kung tatanggapin mo ang kanyang salita – na labis na iniibig ka niya at nagagalak para sa iyo – malalaman mo na ang lahat ay naisasaayos para sa iyong kabutihan, at ang mga hakbang mo ay tunay na iniutos niya.