Aking pinag-ninilay-nilay nitong mga ilang araw na nakalipas ang Awit 142 at 143. Aking iminumungkahi sa inyo na magbigay ng panahon dito sa makapangyarihang kabanatang ito ng Awit para mapalakas ang loob ninyo.
Ako ay interesado sa kung ano ang pinagdaanan ni David nang kanyang sinabi, “Nang ako ay halos wala nang pag-asa, ang dapat kong gawi’y nalalaman niya” (142:3). Inulit niya ito sa talatang 143:4, “Ako’y handa nang magtaas ng kamay , sapagkat wala nang pag-asa ang buhay.” Tunay na sinasabi ni David sa Diyos , “ ako’y nalulunod sa suliranin. Ako ay nilulusob ng mga kaaway. Pinabagsak ako nito. “Dinggin ang hibik ko, ako ay tulungan, pagkat halos ako’y di makagulapay; Iligtas mo ako sa mga kaaway…sa suliranin ko ako ay hanguin” (142:6-7).
Mga mga minamahal, ang mga salitang ito ay isinulat para sa ating mga kapakanan, para sa ating panuntunan. Narito ang nagpapalakas ng loob para sa lahat ng tao ng Diyos na dinadaig ng mga kagipitan at mga kaguluhan. Ang ilan ay nalulunod sa kagipitan sa pananalapi, bagsak sa pagkakautang. Maraming mga mananampalataya ay halos hindi mapagtama ang kanilang hawak sa kanilang mga pangangailangan. Maraming mga balo at matatandang mag-aasawa ay halos di na makagulapay.
Madalas ako ay naakusahan na lubhang malungkot at negatibo. Sinasabi ng mga tao na walang nagnanais na makarinig ng masamang balita, na kanilang iwinawaksi ang mga mangangaral na nagpapahayag tungkol sa kirot, pagdurusa at mga kaguluhan. Ngunit ang totoo ay, marami sa atin ay namumuhay sa sanlibutan na kung saan ang buhay ay madalas na hindi makayanan. Katulad ni David, humaharap tayo sa baha ng mga kaguluhan; tayo ay nasasaktan kahit na tayo ay nasa katuwiran. Nagpapakatatag tayo sa karamdaman, kamatayan ng minamahal, panahon ng kalituhan, hindi alam kung ano ang gagawin sa susunod. Humaharap tayo sa mala-impiyernong paglusob ni Satanas laban sa ating pananampalataya.
Ito ay sa panahon ng nakadadaig na pagkakataon tayo natututo na hanapin ang Diyos at matutunan na dumaing sa ating kagipitan. Sinabi ni David, “Ang aking dinala’y lahat kong hinaing at ang sinabi ko’y pawang suliranin” (142:2). “Dinggin mo, O Yahweh, ang aking dalangin, tapat ka’t matuwid, kaya ako’y dinggin” (143:1). Kayo ba ngayon ay dinadaig ng mga pangyayari sa inyong buhay? Gawin ang ginawa ni David:
- “Ako’y dumalangin na taas ang kamay, parang tuyong lupa ang diwa kong uhaw” (143:6).
- “Kung ikaw ay magkubli…Ako ay umasa sa ‘yo nagtiwala, na kung umumaga’y ipagugunita yaong pag-ibig mo na lubhang dakila. Ang aking dalangin na sa iyo’y hibik, patnubayan ako sa daang matuwid” (143:7-8).
- “Ako ay umasang ‘yong isasanggalang, kaya iligtas mo ako sa kaaway. Ikaw ang aking Diyos, ako ay turuan na aking masunod ang iyong kalooban; ang Espiritu mo’y maging aking tanglaw sa aking paglakad sa ligtas na daan. Ikaw ang nangakong ako’y ililigtas, pagkat dakila ka, iligtas mo agad; iligtas mo ako sa mga bagabag” (143:9-11).