Sa aklat ni Judas, nabasa natin ang panahong padating na lubhang masama at labis na makasalanan. Ang Diyos ay darating na kasama ang sampung libong mga banal para magpatupad ng hatol para sa lahat ng makasalanang gawain. Hinulaan ni Judas ang mga lalaki ay ilalagay sa kanilang maruming pagnanasa, magiging mga mangungutya, makalaman, “bumubula sa sariling kahihiyan” (Judas 13). Ito ay kabibilangan ng isang lipunan ng tiwali na tutungo sa “kakaibang laman,” tumutukoy sa salot na laganap na omoseksuwal.
Ngayon, hindi lamang ang Amerika ang nasyon na naghahagis sa isang tabi ng moral na pagkahinahon. Ang pagguho ng moral ay laganap sa sanlibutan, at ito ay nagiging malawakan na si Satanas ay isinusuka ang kasuklaman ng impiyerno sa sansinukuban. Ito ang panahon, na nagbabala ang Kasulatan, na kung saan ang diyablo ay tutuksuhin ang mga pinili ng Diyos.
Si Judas ay nakatingin sa parating nitong teribleng, makasalanang panahon at may nakita pang iba, iba na higit na makapamukaw sigla at mahimala. Sa gitna ng lahat ng imoralidad at nagpapatung-patong na pagkahamak, nasaksihan niya ang mga tao na “hinirang ng Diyos – mga namumuhay sa pag-ibig ng Diyos Ama at iningatan ni Jesu-Cristo” (Judas 1).
Gaano man maging tiwali ang sanlibutan sa parating na panahon – gaano man maging maladiyablo ang pamamahayag, telebisyon at mga sine, gaano man lumago ang pagsamba sa diyablo, gaano man kalalim ipilit ng omoseksuwal ang kanilang binabalak sa lipunan, kahit na maglakad ang diyablo sa ating mga kalsada – iingatan ng Diyos ang kanyang mga anak. IIngatan niya para sa kanya ang sinantipikahang, mga banal na tao. Ilalayo niya sila sa masasama, at magiging matatag sa kanilang pananampalataya at debosyon, habang ang mga hindi makadiyos ay mauuwi sa pagkawasak.
Makinig sa salita ng Panginoon: “Nawa’y lubusan kayong pabanalin ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawa’y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan – ang espiritu, kaluluwa, at katawan – hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Tapat ang tumawag sa inyo, at gagawin niya ang mga bagay na ito” (1 Tesalonica 5:23-24).
Sinabi ni David, “Ang mahal ni Yahweh, hindi itatakwil. Sila’y iingatan magpakailanman” (Awit 37:28).“Kami. O Yahweh, lagi mong ingatan, sa ganitong lahi huwag pabayaan; kami’y naliligid sa lahat ng lugar, kung alin ang liko’y siyang tinatanghal!” (Awit 12:7-8).
Hayaang ang mga panalanging ito ng apostol Pablo ay maging sa inyo at akin sa panahon ng kasamaan at kaguluhang padating: “Ang Panginoon ang magliligtas sa akin sa lahat ng kasamaan at siya rin ang maghahatid sa akin sa kanyang kaharian sa langit” (2 Timoteo 4:18).
Magbunyi! Ipinangako ng Diyos na iingatan yaong mga lubos na nagtitiwala sa kanya.