Naniniwala ako na ang ating mga anak ay nakilala ang ating kalikasan at katauhan para sa kanila lalo na sa panahon ng kanilang mga kagipitan. Kapag sila ay nasa gitna ng kirot, pagdurusa at pangangailangan, nakikilala nila ang ating malalim na pangangalaga at pagbibigay para sa kanila. Habang lumalaki ang aking mga anak, hindi ko na kailangan ipaliwanag sa kanila kung sino ako. Hindi ko na kailangan sabihin, “Ako ang inyong ama—ako ay pasensiyoso, mabait, puno ng kahabagan at pag-ibig para sa inyo. Malambot ang puso ko para sa iyo, handang magpatawad sa iyo sa lahat ng pagkakataon.” Katawa-tawa ito para sa akin kung gagawin ko ang ganitong pahayag. Bakit? Natutunan ng mga anak ko ang tungkol sa pagmamahal ko sa kanila sa panahon ng mga karanasan nila sa kanilang mga kagipitan. At ngayon, malalaki na sila at mga may asawa na at mga sarili nang mga anak, ang mga anak kong lalaki at babae ay nakikilala ako sa pamamagitan ng mga bagong karanasan. Higit pa nila akong nakilala sa pamamagitan ng aking pakikitungo at pagkilos para sa kanila sa bagong panahon na ito ng mga pangangailangan sa kanilang mga pamumuhay.
Ganoon din para sa atin, kung paano kilalanin ang ating Amang nasa langit. Mula sa panahon ni Adan hanggang sa krus ni Cristo, binigyan ng Panginoon ang kanyang mga tao ng patuloy na lumalagong pahayag ng kanyang katauhan. Gayunman hindi niya ito ginawa sa pamamagitan lamang ng pagpapakilala kung sino siya. Hindi niya sinubukan na ipahayag ang kanyang sarili sa pamamagitan lamang ng pagpapakilala, “Ang mga sumusunod na pangalan ay nagpapahayag ng kanyang kalikasan. Ngayon, humayo at pag-aralan ito, at matutuklasan mo kung sino ako.”
Ang pakahulugan sa Hebreo (pangalan) ay naglalarawan ng mga nakamamanghang kaluwalhatian at panustos na nakabalot sa pangalan ng ating Panginoon. Gayunman, ipinahayag ng Diyos ang mga aspetong ito ng kanyang kalikasan sa kanyang mga tao sa pamamagitan ng paggawa mismo nito para sa kanila kung paano niya ipinakilala ang kanyang sarili. Nakita niya ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak, nakita niya ang parating na mga stratehiya ng mga kaaway laban sa kanila, at sobrenatural na namagitan para sa kanila.
Hinihikayat ko kayo na kilalanin ang inyong Amang nasa langit ng dahan-dahan, may katiyakan, sa pamantayan ng puso. Hilingin sa Espiritu Santo na ipaalala sa inyo ang maraming mukha ng makalangit na panustos na ibinigay ng Diyos sa panahon ng inyong pangangailangan. At pagkatapos ay hilingin sa Espiritu na itatag sa inyo ang tunay na may pusong kaalaman ng Ako—ang Diyos na siyang tangi ninyong kailangan, sa lahat ng sandali.