Sa Awit3 1, ipinakilala ni David sa atin ang pariralang “ang lihim ng iyong presensiya.” Isinulat niya, “Ang pagpapala mo’y iyong ilalaan sa mga anak mong may takot na taglay; Kagila-gilalas malasin ninuman, ang pagkalinga mo sa mga hinirang na nangagtiwala sa iyong pagmamahal. Iyong kinalinga at iningatan mo laban sa adhika ng masamang tao; dinala sa ligtas na dakong kublihan, upang di hamakin ng mga kaaway” (Awit 31:19-20).
May sinasabi si David na lubhang malalim dito: “Ang lahat na tunay na lakas ay nanggagaling mula sa paglapit sa Panginoon. Ang sukatan ng ating lakas ay ayon sa ating pagiging malapit sa kanya!” Sa madaling sabi, kung gaano tayo kalapit kay Jesus, ganoon din tayo magiging malakas. At ang lahat ng lakas na ating kakailanganin ay manggagaling lamang sa pamamagitan ng ating lihim na pamumuhay sa pananalangin. Kung tayo lamang ay lalapit kay Cristo, siya ay lalapit din sa atin, bibigyan niya tayo ng sariwang lakas araw-araw. Ito ang lihim ng kanyang presensiya!
Sa Lumang Tipan, ang presensiya ng Panginoon ay may kaugnayan sa arko. Naniniwala ang Israel na kung saan man naroroon ang arko, ang presensiya ng Diyos ay nandoon din. At kaya, kung saan man maglakbay ang tao, dala nila ang arko. Nakita natin ang halimbawa ng ganitong pananampalataya tungkol sa presensiya ng Panginoon na kasama ang arko sa 1 Samuel 4.
Ang diyablo ay ganap na takot sa presesiya ng Panginoon sa ating mga buhay. Nanginginig siya sa isip man lamang ng pagiging malapit ng mananampalataya kay Cristo. Kaya, kapag nakita ka ng pulutong ng diyablo sa iyong pagluhod sa bawat araw, sa presensiya ng Amang nasa langit, ang buong impiyerno ay nagtutumangis, “Ang Diyos ay kasama ang mananampalatayang ito. Ang isang ito ay may banal na presensiya. Ano ang magagawa natin sa katulad niya?”
Ito ang dahilan kung bakit gagawin ni Satanas ang lahat para maagaw niya ang presensiya ng Panginoon sa iyong buhay, Ito ang dahilan kung bakit ibabagsak niya ang iyong espiritu sa pagdududa at takot. Gusto nyang tuyuin ang lahat ng iyong lakas! Gagamitin niya ang lahat ng bagay na maari niyang gamitin, kahit na ang “mabuting” bagay, para mailayo ka niya sa paggugol mo ng iyong sariling panahon kasama si Cristo. Alam niya na ang iyong panahon kasama si Cristo ay ginagawa kang matagumpay laban sa takot at mga pagkabalisa sa panahong ito!