Martes, Marso 17, 2009

MANALIG SA KATAPATAN NG DIYOS

Ang pananampalataya ay nagsisimula sa ganap na pagsuko ng iyong sarili sa pangangalaga ng Diyos --- ngunit ang ating pananampalataya ay kailangang aktibo, hindi tahimik.

Kailangang mayroon tayong ganap na pagtitiwala na kayang gawin ng Diyos at gagawin niya ang lahat ng bagay, “Hindi ito magagawa ng tao, ngunit nagagawa ng Diyos ang lahat ng bagay” “Sapagkat walang hindi mapangyayari ang Diyos” (Lucas 1:37). Sa madaling sabi, sinabi ng pananampalataya, “Sapat na ang Diyos!”

Hinubog ng Diyos si Abraham na maging matatg na mananampalataya sa pamamagitan ng pagbibigay ng direksiyon sa isang imposibleng kalagayan. Nais niyang marinig na sinasabi ng kanyang lingkod, “Ama, dinala mo ako dito, at higit mong alam ang mabuti. Kaya ako ay maninindigan at mananalig na kaya mong gawin ang lahat ng bagay. Ilalagay ko ang buhay ko sa mga kamay mo, lubusang magtitiwala na hindi mo hahayaan ako o ang aking pamilya na magutom. Alam ko na mapangangalagaan mo kami—sapagkat ipinangako mo na magkakaroon ako ng binhi!”

Ang ating pananampalataya ay hindi nangangahulugan na maiaalis tayo sa mahirap na kalagayan o mabago ang ating mabigat na katayuan. Sa halip, ito ay nangangahulugan na maipahayag ang katapatan ng Diyos sa atin sa gitna ng ating mga kagipitan. Minsan binabago ng Diyos ang ating mapagsubok na kalagayan. Ngunit mas madalas ay hindi—sapagkat nais niyang baguhin tayo

Hindi natin basta mapagtitiwalaan ng lubos ang kapangyarighanng Diyos hanggang sa maranasan natin ito sa kalagitnaan ng ating kagipitan. Ito ang nangyari sa tatlong bata na taga Hebreo. Nakita lamang nila si Cristo noong sila ay nasa gitna ng umaapoy na pugon. At naranasan ni Daniel ang kapangyarihan at grasya ng Diyos nang siya ay itinapon sa kulungan ng mga leon. Kung sila ay biglaang iniligtas sa kanilang mga kalagayan, ay hindi nila malalaman ng lubusan ang kabuuan ng grasya ng mahimalang-kapangyarihan ng Diyos. At hindi maipakikita kung gaano kalaki ang Panginoon sa harapan ng mga hindi makaDiyos.

Naiisip natin na sumasaksi tayo sa mga dakilang himala kapag tinapos ng Diyos ang mga bagyo at kagipitan natin. Ngunit minsan madali nating makaligtaan ang aralin ng pananampalataya---ang aralin na nagsasabi na ang Diyos ay mananatiling tapat sa atin sa panahon ng ating mga kagipitan. Nais niya tayong iangat sa ibabaw ng ating mga pagsubok sa pamamagitan ng pananampalataya, kaya masasabi natin, “Magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay. Siya ay tagapagligtas, at ako ay ilalabas niya sa lahat ng ito.”

Noong si Abraham ay nagtungo sa Egipto, sinasabi niya sa Diyos, na may kakanyahan, “Panginoon—ako na bahala mula rito.” Naisip niya na nakagawa siya ng mali, na narinig niya ay maling tinig---at ngayon ay kailangan niyang gawin itong mag-isa para maituwid niya ang kanyang espiritu. Dito iniwan ni Abraham ang daan ng pananampalataya. Inayos niya ang kanyang mga supling at sinabi, “hindi ko alam kung saan ako nakaligta, ngunit hindi naming magagawa ito mula rito. Pupunta kami sa Egipto!”

Ang magandang balita ay, ang ating kabiguan ay madalas na nagdadala sa atin para makabuo ng matatag na pananampalartaya. Gayunpaman, humaharap tayo sa anumang maaring mangyari kapag lumayo tayo sa daan ng pananampalataya at kumilos ayon sa ating mga laman.