Lunes, Marso 2, 2009

HUWAG MATAKOT SA KAUNTING PAGDURUSA

Ang muling-pagkabuhay ni Cristo ay nasundan ng maiksing panahon ng pagdurusa. Tayo ay namatay! Tayo ay nagdurusa! Mayroong kirot at kalungkutan.

Ayaw nating magdusa o masaktan. Ang gusto natin ay kaligtasang walang pagdurusa, sa sobrenatural na pamamagitan. “Gawin mo ito, o Diyos,” sapagkat ako ay mahina at palaging mahina. Gawin mong lahat ito habang ako ay patuloy sa aking gawi, naghihintay sa sobrenatural na kaligtasan.”

Maari nating ibintang ang ating mga kaguluhan sa diyablo. Naghahanap tayo ng tao ng Diyos at umaasa na mapapaalis niya ang diyablo para makapagpatuloy tayo sa ating gawi na walang kirot at pagdurusa. Gawa na lahat! Madaling nalampasan ang mga ito patungo sa mapayapang buhay ng tagumpay. Nais nating mayroong magpatong ng kamay sa atin at paalisin lahat ang pagkatuyot. Ngunit ang tagumpay ay hindi laging walang kasamang pagdurusa at kirot. Tingnan mo ang iyong kasalanan. Harapin mo ito. Pagdusahan mo ito, katulad ni Jesus. Pumasok ka sa kanyang pagdurusa. Kayanin ang pagdurusa sa isang gabi, ngunit ang kagalakan ay laging kasunod sa umaga.

Ang pag-ibig ng Diyos ay nangangailangan ng pagpili. Kung sobrenatural na iniangat tayo sa bawat pakikipaglabn ng walang kirot o pagdurusa, pipigilan nito ang lahat ng mga pagsubok at lahat ng tukso; hindi na magkakaroon ng malayang pagpili at walang pagsubok sa apoy. Ito ay Diyos na pinangingibabawan ang kanyang mga kalooban para sa sangkatauhan. Pipiliin niyang makipagharap sa atin sa ating pagkatuyot at ipakikita sa atin kung paano ito magiging daan sa panibagong buhay ng pananamapalataya.

Ito ang palagiang kalooban ng Diyos na tayo ay magdusa sa pagkatuyot at maging sa kirot. “Kaya’t pati ang mga nagbabata ng hirap ayon sa kalooban ng Diyos ay dapat magtiwala sa Maykapal na laging tapat sa kanyang pangako. Itinalaga nila sa kanya ang kanilang sarili sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti” (1 Pedro 4:19).

Salamat sa Diyos, ang pagdurusa ay laging sa maikling panahon bago sa huling tagumpay! “Pagkatapos ninyong magtiis ng maikling panahon ang Diyos na bukal ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kaganapan, katatagan at isang saligang matibay at di matitinag” (1 Pedro 5:10).