“Itinapat ni Moses ang kanyang tungkod sa ibabaw ng dagat. Magdamag na pinaihip ni Yahweh ang isang malakas na hangin mula sa silangan at nahati ang tubig” (Exodo 14:21).
Sa harapan ng mga taga Israelitas ay isang daan na magdadala sa kanila sa kaligtasan. Sa malubhang kalagayang yaon, nais ng Diyos na tingnan ng kanyang mga tao ang mga pader na iyon at manalig na pipigilan niya ang tubig hanggang sila ay makarating ng ligtas sa kabilang panig. Sa madaling sabi, nais ng Diyos na ang kanyang mga tao ay magkaroon ng pananalig na nagpapahayag ng, “Siya na nagsimula ng himalang ito para sa atin ay siya ring tatapos nito. Napatunayan na niya sa atin na siya ay tapat.”
“Habang nakatingin tayo sa nakalipas, nakita natin na ang lahat ng ating mga takot ay nasayang lamang. Hindi tayo dapat natakot ng makita natin ang mga taga Egipto na parating. Naglagay ang Diyos ng sobrenatural na pader ng kadiliman para pangalagaan tayo mula sa kanila, at hindi tayo dapat na natakot sa kanilang mga pananakot sa buong magdamag na iyon. Sa buong panahon na iyon, ang Diyos ay nagbigay sa atin ng iluminasyong liwanag, habang ang ating mga kaaway ay binulag ng kadiliman. Atin ding sinayang ang ating mga takot doon sa mga nagngangalit na hangin, samantalang sa habang panahon na iyon ay ginagamit ito ng Diyos para gumawa ng daan ng ating kaligtasan.
“Nakita natin ngayon na hangad lamang ng Diyos na gumawa lamang ng kabutihan para sa atin. Nakita natin ang kanyang kapangyarihan at kaluwalhatian para sa atin. Ngayon ay yari na ang ating mga loob na hindi na mamumuhay sa takot. Hindi na mahalaga sa atin kung ang mga pader ng tubig ay guguho. Mabuhay o mamatay tayo ay sa Panginoon.”
Mayroong dahilan kung bakit gusto ng Diyos ang ganitong uri ng pananampalataya sa puntong ito. Sila ay haharap sa isang paglalakbay sa ilang. Magpapakatatag sila sa pagkawala, panganib at pagdurusa. Kaya sinabi niya, “Nais kong malaman ng mga tao ko na kabutihan lamang ang gagawin ko para sa kanila. Ayokong matakot sila na mamatay sa tuwinang sila ay haharap sa panganib. Gusto ko ang mga tao na hindi takot sa kamatayan, sapagkat alam nila na ako ay mapagkakatiwalaan sa lahat ng mga bagay.”
Ang tunay sa sumasamba ay hindi isang sumasayaw kapag napagwagian ang isang tagumpay. Hindi ito ang tao na umaawit mga papuri sa Diyos kapag nagapi ang kalaban. Iyan ang ginawa ng mga Israelitas. Nang hinati ng Diyos ang dagat at sila ay nakarating sa kabilang panig, nag-awitan sila at nagsayawan, pinuri ang Diyos at pinarangalan ang kanyang kadakilaan. Gayunman, pagkatapos ng tatlong araw, itong mga tao ring ito ay mapait na nagbubulungan laban sa Diyos at kay Marah. Sila ay hindi mga sumasamba—sila ay mga mabababaw na taga-sigaw lamang!
Ang tunay na sumasamba ay isang tunay na nananalig sa Diyos sa gitna ng bagyo. Ang pagsamba ng taong ganito ay hindi sa salita lamang, kundi sa uri ng kanyang pamumuhay. Ang kanyang mundo ay may kapahingahan sa lahat ng sandali, sapagkat ang pagtitiwala niya sa katapatan ng Diyos ay hindi kayang yanigin. Hindi siya takot sa hinaharap, sapagkat hindi na siya takot na mamatay.
Nakita ko at ni Gwen ang ganitong uri ng hindi nayayanig na pananampalataya mula sa aming labindalawang-taong apong babae si Tiffany, nakaupo sa tabi ng kanyang higaan sa nalalabi niyang mga araw, napagmasdan namin sa kanya ang kapayapaan na higit pa sa aming pang-unawa. Sinabi niya sa akin, “ Lolo, nais ko nang umuwi. Nakita ko si Jesus, at sinabi niya sa akin na nais niya ako doon. Ayoko na dito.” Nawala na lahat kay Tiffany ang lahat ng takot at pagkawala.
Iyan ang kapahingahan na gusto ng Diyos para sa kanyang mga tao. Ito ang pananalig na nagsasabi na katulad ni Pablo, at katulad ni Tiffany, “Mabuhay o mamatay, ako ay sa Panginoon.” Ito ang uri ng tunay ng sumasamba.
Dumadalangin ako na ang lahat ng bumabasa ng mensaheng ito ay kayang sabihin sa gitna ng kanilang mga kapighatian: “Oo, maaring bumagsak ang ekonomiya. Oo, maaring humaharap pa rin ako sa madilim, na binabagyong magdamag. Ngunit napatunayan na ng Diyos ang kanyang katapatan sa akin. Kahit ano pa ang dumating, magpapahinga ako sa pag-ibig iya sa akin.