Sabado, Marso 7, 2009

ISANG MAHALAGANG MENSAHE

Ako ay pinilit ng Espiritu Santo na ipadala ang mahalagang mensaheng ito sa lahat ng nakatala sa aming talaan ng liham, at sa mga kaibigan at sa mga obispo na nakilala namin sa lahat ng dako ng sanlibutan.

ISANG KALAMIDAD NA GIGIMBAL SA BUONG SANLIBUTAN AY MALAPIT NG MANGYARI.

ITO AY NAKASISINDAK, NA TAYONG LAHAT AY MANGINGINIG SA TAKOT---MAGING ANG MGA MAS HIGIT NA MAKA-DIYOS SA ATING LAHAT.

Sa loob ng sampung taon ako ay nagbabala ng libu-libong sunog na darating sa lunsod ng Nuweba York. Sasalikupin nito ang nagraramihang bahagi ng mga naglalakihang mga gusali, kasama na ang NewJersey at Connecticut. Ang mga mayor na lunsod sa buong Amerika ay makararanas ng mga kaguluhan at mga naglalagablab na mga apoy---katulad ng nakita natin sa Watts, Los Angeles, maraming taon na ang nakakalipas.
Magkakaroon ng mga kaguluhan at mga sunog sa mga lunsod sa buong sanlibutan. Magkakaroon ng mga pamdarambong---kasama na ang iglesya ng Times Square, pati na ang lunsod ng Nuweba York. Ang ating nararanasan sa ngayon ay hindi isang pagbagsak ng ekonomiya, hindi rin isang katamlayan ng kasalukuyang kalagayan. Tayo ay nasa ilalim ng poot ng Diyos. Sa Awit 11 ito ay nakasulat.

“Ano ang magagawa ng mabuting tao, kung pati saligan ng kanyang pag-asa’y gumuho ng ganap, at wala ng saysay?” (t.3).

Hinahatulan ng Diyos ang mga rumaragasang kasalanan ng Amerika at ng mga bansa. Winawasak niya ang mga sekular na pundasyon.

Ang propetang si Jeremias ay nakiusap sa makasalanang Israel, “Kaya nga, sabihin mo sa mga naninirahan sa Juda at sa Jerusalem na may binabalak na ako laban sa kanila. Sabihin mo na tigilan na nila ang makasalanang pamumuhay at magbago na sila. At isasagot nila’y ‘Hindi!’ Lalo pa kaming magmamatigas at magpapakasama” (Jeremias 18:11-12).

Sa Awit 11:6.nagbabala si David, “Yaong masasama’y pinahahatdan n’ya ng bagang maningas—apoy na asupre, upang pahirapan sa matinding alab. Si Yahweh ay tapat” (t.7). Ito ang makatuwirang hatol—katulad ng hatol sa Sodoma at sa salinlahi ni Noah.

ANO ANG DAPAT GAWIN NG MGA MAKATUWIRAN? PAANO NA YAONG TUNGKOL SA MAHALAGANG KAPAYAPAAN NG MGA TAO NG DIYOS?

Una, bibigyan ko kayo ng isang praktikong salita na nanggaling sa aking sariling direksyon. Maghanda sa inyong taguan ng mga kailangang pagkain para sa loob ng 30 araw, mga gamit na pambanyo at iba pang mahahalagang bagay na kinakailangan. Sa mga mayor na lunsod, ang mga tindahan ay naubos ang mga laman sa loob lamang ng isang oras sa senyas pa lamang ng parating na kapahamakan.

At sa aming espirituwal na reaksiyon, mayroon lamang kaming dalawang pagpipilian. Ito ay binalangkas sa Awit 11. “Lumipad ka agad katulad ng ibon tungong kabundukan.” O katulad ng sinabi ni David, “Ang Diyos na si Yahweh ay matatagpuan sa banal na templo. At doon naman sa mataas na langit, naroon ang trono; at magbuhat doon ay pinagmamasdan ang lahat ng tao” (t.4). “Sa Panginoong Diyos ipinagtiwala yaring kaligtasan” (t.1).

Sasabihin ko sa aking espiritu: Walang dahilan para tumakbo…walang dahilan para magtago. Ito ay makatuwirang gawain ng Diyos. Aking panghahawakan at titingnan ang ating Panginoon sa kanyang trono, sa kanyang mapagmahal na pagtingin, mapagmahal na kabutihan na nakatanaw sa bawat hakbang na aking nilalakaran—nananalig na ililigtas niya ang kanyang mga tao kahit na sa mga baha, sa mga sunog, mga kalamidad, mga pagsusulit at mga pagsubok na lahat ng uri.

Paalala: Hindi ko alam kung kailan ito mangyayari, ngunit alam ko na hindi na magtatagal. Ikinukumpisal ko ang aking espiritu sa inyo. Kayo na ang bahala sa mensaheng ito ayon sa inyong pagkakaunawa.

Pagpalain at ingatan kayo ng Diyos.

Kay Kristo,
DAVID WILKERSON